Monday, June 16, 2008

Snow World for Rhea's 24th Birthday!




We celebrated Rhea's birthday at Snow World, Star City last June 14.

Umeffort talaga ako dito. E sabi kasi -15 degrees! So, ako naman, ang worst kong naranasan e -6 degrees. Sabi ko, naku, haggard ito. Kailangan maghanda otherwise masasayang lang ang money at baka mag-give up kami agad sa lamig.

Nasad din kami nung una na di pwedeng magdala ng camera, pero ok na rin pala kasi mada-damage ang camera sa super lamig.

So... come Saturday... ang dami kong dala!
3 bonnets, 3 sets of gloves, 2 scarves, sweatshirt, extra pants, North Face waterproof shoes, toes socks, and 2 winter jackets for me and Momon.

Pinagtawanan nila ko! Pero sabi ko, "Ako ang tatawa sa inyo pag nanlamig na kayo sa loob! Hahaha!"

Si Bennet, super excited, sa ticket booth pa lang naka-full attire na. Mukha tuloy kaming mangho-holdap, with red gloves! Alam na alam tuloy ng mga tao na sa Snow World kami pupunta. Sa sobrang excited din ni Ben, pumasok sya sa closet, akala nya yun na ang entrance.

Brr! Pumasok na kami! Malamig, duh! Pero it's more of ICE World than Snow World, really. Feel ko di naman yun -15. May mga ice sculptures pero pasira na at madumi na.

Ang pinakamasayang part ay ang slides na paikot. Kukuha ka ng board at magsa-slide ka. Nakakagulat sa una, muntik akong mapa-slide na walang board kasi ang dulas. Aray! At pagnagre-race kami nila Momon and Ben, ako laging talo. Si Momon may technique na hindi ko alam kahit na saan slot sya mag-slide, sya pa rin nauuna. Tinulak na nga ako ng ng isang staff gamit ang walis kasi sa bandang end ng slide e natitigil ako.

May isa pang slide na diretso lang at uupuan mo lang ang jacket. Corny to, pero naging nakakatawa kasi hindi kami umaandar ni Momon. Nakakahiya tuloy.

Isa lang photo namin kasi P100 per photo, yak! Tinulungan ko pa ang photographer magframe. Ok ba ang kinalabasan?

Nakapag-batuhan din naman kami ng snow, kasi kuniha namin yung mga naipong 'snow' sa mga puno. Ginaya kami ng mga bata, pero sila ang napagalitan. Hahaha!

All in all, masaya sya. Mainly because kasama ko ang C5 (naks!). Medyo matagal kami sa loob, mga 1 hour at masasabing kong nasulit namin. Punta rin kayo!

Happy birthday Rhea!

No comments:

Post a Comment