May bago na kong favorite show! Kampanerang Kuba!
Sobrang aliw ang soap opera na ito. Ang ganda ng pagkasulat at pagkaka-direct at pati ang pagkaka-act. Pinakabilib ako lalo sa mga Location Managers nila. Ang ganda ng Nagkarlan Church at ang astig ng water falls sa bahay nila Pablo (Luis Manzano).
Ang galing din ng mga artista. Si Jodi Santamaria who plays the antipatika Veronica, seems so natural; e samantalang pag napapanood mo s’ya sa Perfect Moments, napaka soft-spoken n’ya. Syempre, hindi na rin naman matatawaran ang acting abilities nila Eugene Domingo, Malou De Guzman, Eula Valdez, Jaime Fabrigas at syempre ni Jean Garcia.
As for Anne Curtis’ performance, I can safely say that she’s very good. Tanggal ang mga kaartehan n’ya at hindi masyadong obvious ang pagkabaluktot ng dila n’ya. Bagay din sa kanya yung pagiging mabait-pero-palaban na ugali ni Imang. At perfect talaga s’ya kasi, pag pinapangit, pangit talaga, at pag pinaganda, magandang maganda talaga!
Sobrang inaantabayanan ko na rin ang pagdating ng mga ilang characters, specifically, Lorenzo (Christian Bautista) and Luke (Patrick Garcia). Halata bang may pagka-boy crazy?
Ito pa! May palaisipan ako. Sino ba yung alalay ni Martin (Jomari Yllana). Simula pa nung magpremier ang Kampanerang Kuba sinusubukan na naming s’ya i-place. As in di ko talaga matukoy. Kung sino man ang nakaka-alam, i-chicka n’yo sakin!
Sa kabilang banda, medyo imbyerna naman ako sa “Ikaw ang Lahat sa Akin.” Kaloka!
Halos walang pinatutunguhan ang storya at paikot-ikot lang. Minsan, tumtagal ang isang story angle ng 5 days, pare-pareho lang naman ang usapan, iba-iba lang ng location.
Example, palagi nalang nagsisigaw si Nea (Claudine Barretto) kay Jasmin (Bea Alonzo) ng “Daisy, Daisy, ang Ate Nea mo to! Ang Ate Nea mo to!” Minsan sa labas ng bahay nila Jasmin, minsan habang hinahabol ang bus, minsan naman habang hinahabol ang kotse, minsan pa habang nasa labas ng school. Ano buzz?!
Sana lang talaga umayos ang script. Ang gagaling pa naman ng artista. Imagine, Deither, Angelica, Bea, Shaina, John Lloyd and syempre, si Claudine! Not to mention ang mga veteran actors na sina Carmie Martin, Nonong Buencamino, Tirso Cruz III, Jaclyn Jose and Hilda Koronel! Aba, walang makakapula sa mga acting abilities ng mga ‘to!
Hay… mabuhay ng mga TV addicts!