Monday, May 29, 2006

Funny Miscommunications

Just last night Mon and I watched the Da Vinci Code in Shangri La Cineplex. As we were getting tickets sabi ng attendant:

Attendant: Ma’am ilang taon na po sila?

Huh?! Gulat na gulat talaga ako. Matagal ko nang pinapangarap ang moment na ‘to: na mapagkamalang under 18 pa rin! Pero hindi ako prepared. So sa sobrang gulat, sabi ko:

Ros: Ahh... 18. (Shiyet!?!)
Attendant: Kailan po ang birthday n’yo?
Ros: August 1, 1983
Attendant: So hindi ka 18? Over 18 ka na.


Oo nga naman! Wahahaha! Mukha tuloy akong sinungaling.

Momon: Over 18 na yan, may driver’s license na yan e.
Ros: Ay, oo... twenty two pala.


Pero natuwa na talaga ako at hindi ko na maitago ang aking kilig. At dahil ayoko nang mapahiya na mali ang sinagot ko... nagpakapormal na lang ako at sabi ko:

Ros: Do you need to see and ID?

Sabay bigay ng license ko. Pero hindi ko na talaga naitago ang kasiyahan ko na pinagkamalan pa akong under 18. Yes!!!
----------------------------------------------------------------------

Last March, Kuya Gen went home to get Matt to bring him to America. Syempre kasama sa quick vacation n’ya ang mga dinner and drinks with cousins. So, we had dinner at Terriyaki Boy sa Libis. Kasama rin namin sa dinner si Kuya Leo, Ate Monet and Bea, pati na rin ang mga ibang cousins ni Kuya Gen. Meron pa s’yang special guest, si Mac Cardona. kapitbahay kasi n’ya si Cardona sa US at kalaro din sa basketball nung bata pa sila.

So anong nangyari?

Si Ate Monet kasi ay Executive Assistant ni Gabby Lopez (CEO of ABS-CBN, in case you don’t know, hehe). Earlier, before Cardona arrived kinukwento ni Ate Monet na si Mr. Lopez daw ay laging binibigyan ng front row tickets sa mga concerts and shows. Minsan daw hindi s’ya nakakapunta kaya si Ate Monet na lang ang gumagamit or pinamimigay n’ya sa iba.

Nag-commence na ang usapan sa mga ibang bagay. Dumating na si Mac at tuloy tuloy nang nakipagdaldalan na kay Kuya Gen, as in wala na sialng pakialam samin. Kami naman, usap usap pa rin. E ang lalakas ng boses namin nila Bea at Ate Monet. Bigla kong sinabi:

Ros to Ate Monet: Uy... bigyan mo naman ako ng tickets!

Pero iba ang sumagot.

Mac (biglang lingon): Oo ba!

Natigilan ako. Long enough para malaman n'ya na di s'ya ang kausap ko.

Ros to Mac: Ah... oo! Ikaw rin!

So much for my first few minutes with a UAAP star na talaga namang nasubaybayan ko... and now rising star of PBA. Hehehe! Buti na lang naka-recover din kami pareho sa blunder namin, at umusad naman ang gabi ng matiwasay.

Hanggang ngayon wala pa rin akong ticket to PBA at kahit ano pang show na hindi dinaluhan ni Mr. Gabby Lopez. Wahaha!!!

Saturday, May 27, 2006

Summer Finale

We’ve waited too long for this vacation: Puerto Galera, the second time around. We’re wiser, and we’re ready to make the most of what the place has to offer. Usapan... after this trip, we’ll be ready to explore other places.

Ben, Mon, Vin, Ros and Rhea


Beach Hopping
Hindi kami sumakay ng diretso papunta sa White Beach kasi ang tagal ng aantayin namin. Instead, sumakay kami ng papunta sa Sabang. Kaya tuloy nagkaron kami ng mini-beach hopping experience. Nakita namin ang Sabang Beach, Big and Small La Laguna Beach, Coco Beach at Puerto Galera town. From the town, sumakay kami ng tricycle papuntang White Beach.

CM 4, Our Home
Sakto at binaba kami ng tricycle kung saan kami nagstay last time. Sa aming pinakamamahal na VM Beach Resort, Room CM4. Marami pa kaming arte sa paghahanap ng room na may ref, umabot pa kami sa kabilang dulo. Pero in the end... dahil thankfully at hindi maka-let go si Ben, nauwi din kami sa dati naming room. It just feels so much like home to us.

CM4. Bahay namin sa Galera!


My braids and Ate Lydia
In the afternoon, nung di na gaanong mainit, lumabas na kami. Nagpa-braid ako kay Ate Lydia. Grabe... ang sakit pala magpa-braid.

Bago pa magstart ang braiding.


Ate Lydia braiding my hair.


Aninuan Falls
Si Ate Lydia na rin ang naging tour guide namin papuntang Aninuan Falls. From White Beach, bumili muna kami ng lulutuin namin for lunch, tapos nag tricycle to Aninuan. After that, nagstart na ang aming paglalakad. May onting stopover lang kami sa bahay nila Ate Lydia para kumuha ng kanin. From there, it was about a 45-minute walk paakyat sa bundok. We crossed the Aninuan River 9 times on the way up, each time building up our anticipation for the falls. Nakakapagod... grabe ang pawis at nakakahingal. Nakakatakot din kasi madulas at di stable ang lahat ng bato pero it was all worth it. We were not disappointed!

Stopover at Ate Lydia's house.


Crossing the Aninuan River


Tama lang ang lalim, malamig at sobrang linis ng tubig. May part na mababaw at may part din na malalim. We also had lunch there... si Ate Lydia ang nagluto. It started with chips and my special dip for appetizer. For the main course, we had grilled liempo, tilapia, kamatis and onion, and for refreshments we had chilled Dalandan Soda. We also had apples for dessert. Hay... ang sarap kumain sa tabing ilog.

Aninuan Falls, one of the branches


Aninuan Falls, Paradise!


Bayanihan!


The hike back was a lot faster pero napagod pa rin kami kasi ang init na. When we got to our room, nagshake muna kami sa VM tapos nag-nap for 2 hours or so.

Banana Boat... Banana Falls.
Our next adventure would be on the banana boat. Scary lang kasi naikwento ni Ate Lydia na nung isang araw lang ay may nabalian sa pagsakay sa banana boat. Nyikes!!! So may onting kaba kami.

Ang highlight ng banana boat adventure any ang “hands-free” ni Bennet! Sa kalokohan n’ya at kagustuhang gawing roller coaster ang banana boat, at dalhin biglang lumiko ang boat, nahulog tuloy s’ya mag-isa! Wahahaha!!! Bago tumama sa tubig, dumausdos muna s’ya sa tapakan na banana, na nakataas pa rin ang kamay at sumisigaw pa rin. Naaalala ko pa ang eksena na parang slow-motion sa utak ko.

Banana Boat


Mindoro Sling and Marlboro Lights
Nung gabi... nagpakabaliw kami at tinodo na ang kasiyahan. Mindoro Sling! Si Rhea at Vincent, natulog agad, hmpf! Pero kaming tatlo... nagpa-hulog hulog sa sand, at ang dalawang non-smokers ay nakaubos na halos isa’t kalahating kaha. Nahiga pa kami sa beach at muntik nang matapakan ng cheerleading team. Pag-uwi namin, maximum level na ang english at volume, maraming nang sinasabing maaring pagsisihan paggising.

Mindoro Sling, hic!


Goodbye Galera
The next day, we took a last dip and left Galera with heavy hearts. Di muna siguro kami babalik... maraming pang beach na naghihintay sa amin! Pero Galera will always hold a special place in our hearts. Thanks for welcoming us with open arms.

Monday, May 08, 2006

The Seafood Capital of the Philippines

Just last weekend I visited the Seafood Capital of the Philippines, Roxas City, Capiz!

Ay grabe... ang ganda don! Ang linis at malilibot mo ang mga magagandang lugar na tricycle lang. We went there to train the Capiz Bureau of the Kabataan News Network. Pero di rin kami pahuhuli sa paglilibot.

Here's us outside the old house of President Manuel Quezon. Hindi pa masyadong na-develop as a museum ang place pero the current owners who are descendants of the president were kind enough to let us in and show us the place.

Image hosted by TinyPic.com


We also went to the adjacent town of Pan-ay. Binisita namin ang simbahan. Dito matatagpuan ang pinakamalaking bell sa buong Asya at ikatlo sa buong mundo. Umakyat kami syempre se bellfry. Grabe, ang tarik at may mga paniki! Pero ang ganda ng view sa taas. Muntik nga kaming di maka-akyat, buti na lang pumayag ang pari.

Image hosted by TinyPic.com


Image hosted by TinyPic.com


Image hosted by TinyPic.com


Ang sarap kumain! Dalawang gabi kaming nagdinner sa beach. Kumain ng inihaw na pusit, barbeque, halabos na hipon, inihaw na scallops! Yummy! Fresh na fresh! It's not called the Seafood Capital of the Philippines for nothing.

Pero ang pinaka-enjoy ay ang mga nakilala kong mabubuti at masasayahing mamamayan ng Capiz. Ang babait talaga nila. Thanks so much sa pagtangap at pag-alaga n'yo samin!

Image hosted by TinyPic.com
Left side: KC, Gil and Bureau Manager Alex
Middle: Noel and Janus
Right: Rhoan and Zen


Babalik ako! Grabe... ang ganda ng Pilipinas.