Monday, May 08, 2006

The Seafood Capital of the Philippines

Just last weekend I visited the Seafood Capital of the Philippines, Roxas City, Capiz!

Ay grabe... ang ganda don! Ang linis at malilibot mo ang mga magagandang lugar na tricycle lang. We went there to train the Capiz Bureau of the Kabataan News Network. Pero di rin kami pahuhuli sa paglilibot.

Here's us outside the old house of President Manuel Quezon. Hindi pa masyadong na-develop as a museum ang place pero the current owners who are descendants of the president were kind enough to let us in and show us the place.

Image hosted by TinyPic.com


We also went to the adjacent town of Pan-ay. Binisita namin ang simbahan. Dito matatagpuan ang pinakamalaking bell sa buong Asya at ikatlo sa buong mundo. Umakyat kami syempre se bellfry. Grabe, ang tarik at may mga paniki! Pero ang ganda ng view sa taas. Muntik nga kaming di maka-akyat, buti na lang pumayag ang pari.

Image hosted by TinyPic.com


Image hosted by TinyPic.com


Image hosted by TinyPic.com


Ang sarap kumain! Dalawang gabi kaming nagdinner sa beach. Kumain ng inihaw na pusit, barbeque, halabos na hipon, inihaw na scallops! Yummy! Fresh na fresh! It's not called the Seafood Capital of the Philippines for nothing.

Pero ang pinaka-enjoy ay ang mga nakilala kong mabubuti at masasayahing mamamayan ng Capiz. Ang babait talaga nila. Thanks so much sa pagtangap at pag-alaga n'yo samin!

Image hosted by TinyPic.com
Left side: KC, Gil and Bureau Manager Alex
Middle: Noel and Janus
Right: Rhoan and Zen


Babalik ako! Grabe... ang ganda ng Pilipinas.

No comments:

Post a Comment