Saturday, May 27, 2006

Summer Finale

We’ve waited too long for this vacation: Puerto Galera, the second time around. We’re wiser, and we’re ready to make the most of what the place has to offer. Usapan... after this trip, we’ll be ready to explore other places.

Ben, Mon, Vin, Ros and Rhea


Beach Hopping
Hindi kami sumakay ng diretso papunta sa White Beach kasi ang tagal ng aantayin namin. Instead, sumakay kami ng papunta sa Sabang. Kaya tuloy nagkaron kami ng mini-beach hopping experience. Nakita namin ang Sabang Beach, Big and Small La Laguna Beach, Coco Beach at Puerto Galera town. From the town, sumakay kami ng tricycle papuntang White Beach.

CM 4, Our Home
Sakto at binaba kami ng tricycle kung saan kami nagstay last time. Sa aming pinakamamahal na VM Beach Resort, Room CM4. Marami pa kaming arte sa paghahanap ng room na may ref, umabot pa kami sa kabilang dulo. Pero in the end... dahil thankfully at hindi maka-let go si Ben, nauwi din kami sa dati naming room. It just feels so much like home to us.

CM4. Bahay namin sa Galera!


My braids and Ate Lydia
In the afternoon, nung di na gaanong mainit, lumabas na kami. Nagpa-braid ako kay Ate Lydia. Grabe... ang sakit pala magpa-braid.

Bago pa magstart ang braiding.


Ate Lydia braiding my hair.


Aninuan Falls
Si Ate Lydia na rin ang naging tour guide namin papuntang Aninuan Falls. From White Beach, bumili muna kami ng lulutuin namin for lunch, tapos nag tricycle to Aninuan. After that, nagstart na ang aming paglalakad. May onting stopover lang kami sa bahay nila Ate Lydia para kumuha ng kanin. From there, it was about a 45-minute walk paakyat sa bundok. We crossed the Aninuan River 9 times on the way up, each time building up our anticipation for the falls. Nakakapagod... grabe ang pawis at nakakahingal. Nakakatakot din kasi madulas at di stable ang lahat ng bato pero it was all worth it. We were not disappointed!

Stopover at Ate Lydia's house.


Crossing the Aninuan River


Tama lang ang lalim, malamig at sobrang linis ng tubig. May part na mababaw at may part din na malalim. We also had lunch there... si Ate Lydia ang nagluto. It started with chips and my special dip for appetizer. For the main course, we had grilled liempo, tilapia, kamatis and onion, and for refreshments we had chilled Dalandan Soda. We also had apples for dessert. Hay... ang sarap kumain sa tabing ilog.

Aninuan Falls, one of the branches


Aninuan Falls, Paradise!


Bayanihan!


The hike back was a lot faster pero napagod pa rin kami kasi ang init na. When we got to our room, nagshake muna kami sa VM tapos nag-nap for 2 hours or so.

Banana Boat... Banana Falls.
Our next adventure would be on the banana boat. Scary lang kasi naikwento ni Ate Lydia na nung isang araw lang ay may nabalian sa pagsakay sa banana boat. Nyikes!!! So may onting kaba kami.

Ang highlight ng banana boat adventure any ang “hands-free” ni Bennet! Sa kalokohan n’ya at kagustuhang gawing roller coaster ang banana boat, at dalhin biglang lumiko ang boat, nahulog tuloy s’ya mag-isa! Wahahaha!!! Bago tumama sa tubig, dumausdos muna s’ya sa tapakan na banana, na nakataas pa rin ang kamay at sumisigaw pa rin. Naaalala ko pa ang eksena na parang slow-motion sa utak ko.

Banana Boat


Mindoro Sling and Marlboro Lights
Nung gabi... nagpakabaliw kami at tinodo na ang kasiyahan. Mindoro Sling! Si Rhea at Vincent, natulog agad, hmpf! Pero kaming tatlo... nagpa-hulog hulog sa sand, at ang dalawang non-smokers ay nakaubos na halos isa’t kalahating kaha. Nahiga pa kami sa beach at muntik nang matapakan ng cheerleading team. Pag-uwi namin, maximum level na ang english at volume, maraming nang sinasabing maaring pagsisihan paggising.

Mindoro Sling, hic!


Goodbye Galera
The next day, we took a last dip and left Galera with heavy hearts. Di muna siguro kami babalik... maraming pang beach na naghihintay sa amin! Pero Galera will always hold a special place in our hearts. Thanks for welcoming us with open arms.

No comments:

Post a Comment