Lagi naman akong late sa mga ganitong kachuvahan! Sa Friendster nga, less than 120 pa lang ang friends ko.
Although dati ko nang alam ang concept ng blog, naghe-hesitate pa rin ako dahil hindi ko naman type ipaalam sa lahat ang nangyayari sa buhay ko. Contrary to my image na napaka-ingay at puro kwento, those truly close to me can attest that I’m very secretive about my life. (Naks! Feeling artista.)
Pero, sadyang effective ang peer pressure at bandwagon effect. Sabi nga ni Momon, wala namang masama. Advice din n’ya na wag maging diary-type kundi maging topic-centered ang entries. And through this, malay n’yo, maimprove ko pa ang writing skills ko.
Hmm… mas may sense. Galing talaga ng Mym ko.
Nagpromise din s’yang laging magbabasa ng blog ko. So, okay na!
Naku… t’yak magiging struggle to.
No comments:
Post a Comment