Kahapon ay nag-dinner kami ni Momon sa Pier One. Parang... prelude sa aming up coming grand event... hehe. At syempre after ng dinner, umupo kami sa bar at nag-attempt magpaka-adult at uminom. Actually, hindi talaga kami madalas uminom at napaka-limited ng drinking experiences ko... Shucks... sa sobrang kakontian ay kaya ko lang ikwento lahat!
*Meron yun pumunta kami nila Dea, Pop at Raech sa may Tapika. Nanood kami ng Paolo Santos tapos medyo naka-sense ako dun ng Tequila Sunrise at Vodka Mudshakes. Parang ganon. Not to mention enough second-hand smoke to last me the rest of my life.
*Meron rin yung uminom kami sa Puerto Galera ng Bailey’s Irish Cream na hinaluan namin ng Chuckie. Buti na lang may dala si Vincent na Chuckie, kundi talagang hindi na talaga kami uminom dahil medyo yuck ang lasa. May nabili din kaming SanMig Light non kaya lang di talaga namin feel ni Rhea. Ang wholesome talaga namin kasi kahit na safe at bakasyon mode talaga kami ay hindi pa rin namin tinodo ang pagiging wasted.
*Meron din yung mga nakaraan kong birthday celebration at iminom kami ng Mule at Vodka Mudshakes... hindi rin namin tinodo at may mga exam pa.
*Sa mga Avo parties... teka... wait... may nagdadala ba kasi ng alcoholic drinks sa Avo par
ties?! WALA! Ang babait kasi eh! Hehehe!
Pero okay lang naman... I won’t say na wala akong social life... Kasi naman talagang hindi ko feel ang beer, wine... hindi ko feel masyado ang amoy at lalong ayoko ng lasa.
Going back to our Pier One drinking experience... Naka-discover kami ng masarap ng drinks ni Momon... (Pero siguro wala pa rin ‘to sa mga ibang ini-inom ng mga friends dyan.)
Fave ko na ngayon yung
Tequila Rose! May hint ng strawberry at tamang tama lang ang presence ng alcohol. Kulay pink pa! Yung Long Island na kay Momon, okay ang lasa at masarap ang pagka-mix din. Kaya lang feel ko, marami pang masarap dito. Ti-nry din namin yung Mudslide, okay lang naman.
Pero feel ko... hindi pa rin ako magiging mahilig sa alcoholic drinks. Kasi naman ako ang laging designated driver, at hindi talaga ako mahilig sa mga mapapait at mababaho. Pero, don’t get me wrong, I think dapat pa rin akong magkaron ng experiences sa mga ganitong drinks... kailangan yan sa social life!
Kaya tara! Try pa tayo! Ano bang masasarap ng drinks, cocktails, long drinks, whatever? Ano ban yung mga Diaquiri? Ano ba yung mga nakikita natain na staple na mga Screwdriver, Zombie, Weng Weng, Amaretto, at kung anu-ano pa!? Ano bang masarap?!
Tapos pag nagkita-kita tayo... try natin lahat!