Hay... ang daming nainggit. Ang daming nagsabing, “Ikain n’yo na lang kami.” Kami rin naman ay talagang na-excite, nagpress release, nang-inggit (hehe), naghanda at nagpagutom! Kinundisyon na talaga namin ang mga sarili namin na pipila kami at okay lang mag-antay, na dadahan-dahanin namin ang pagkain para makasulit at talagang titikman namin ang lahat ng dishes sa World’s Longest Buffet. Ready na kami magpa-umaga sa Eastwood. Hold muna ang diet namin ni Momon (Teka... meron ba nun?!) Ready na rin ako magkwento dito na super sayang adventure namin!
Well... oo... World’s Longest Buffet nga s’ya, pero para samin mas dapat s’yang tawagin na...
World’s Longest Line
World’s Longest Wait
World’s Most Empty Buffet Heaters
World’s Most Irate and Sweaty Customers
World’s Longest Walkfest Pabalik sa Parking
World’s Largest Refund
World’s Biggest Let Down
In short... hindi kami nakakain at umalis kami ng Eastwood na gutom. Pero kung nandon kayo at nakita n’yo ang situation dun... masasabi n’yong swerte pa nga kami.
Pag dating namin nakita namin na maraming mga tao na naglalakad na may hawak na plastic na plato. Akala pa namin ay magandang senyales yon. “Okay ‘to a... pwede talagang mag-ikot!” Pero pag dating namin sa registration table, kung saan kukuha ng plato at magpapatatak ng kamay, ay kinabahan na kami. Ang daming mga ale ng may hawak ng plato, pawis na pawis at nakikipagsigawan. Walang pila... chaos talaga.
Pero optimistic pa rin kami... Sabi namin, “Lipat tayo. Baka sa kabila mas madaling magpa-register.” Pag dating namin don... ayun na. Nakita na namin ang listahan ng mga nagbabalik ng tickets. At pagkatapos namin mag-investigate ni Bennet nakita naming karefund-refund nga. Wala nang seats. Lahat ng mga buffet heaters wala nang laman. Walang maisagot ang mga servers kung nasan ang food. At kahit wala nang food, ang dami pa ring nakapila. May lola nga na umupo na lang sa ledge ng fountain at dun na kumain.
Habang naga-analyze kami kung mag-refund ba kami o magtitiis, biglang nagbutt-in ang isang lalaking matanda na medyo gay. “You should get a refund! You don’t wanna stand there and wait. It’s like begging for food!” Ang TARAY! Ok fine!
Kaya fly na kami at nagpabusog somewhere else!
Shet, di ko pa nafofollow up ang tickets! Bukas na lang. Yaw!
ReplyDeleteHuwaaaaaaaaaaatttt!!!
ReplyDeleteUltimate let-down naman pala ang event na yan. Akala ko pa naman yan ang "Ultimate Buffet Experience".
Kasi naman, nakikipagsabayan pa Pilipinas sa mg World's ekekek. Sayang.
Eh sa get-together, walang tickets, walang reg, at may pagkain. XD