Thursday, October 26, 2006

Wisdom Tooth

Grabe, para kong nabunutan ng tinik...
Nabunutan nga ko, dalawang ngipin nga lang! Haha, corny!

Share ko lang:
Isa s'yang painless procedure! As in hindi s'ya dapat katakutan. Thanks so much to Dra. Aurie! Dalawa lang kasi ang tinanggal contrary sa press release ko na apat.

Ang tooth sa lower right, nakahiga, as in horizontal. So ang ginawa, nilagare ang ngipin tapos hinila. Sa taas naman, medyo slanted at naka-baon na parang may hook ang isang paa ng ngipin. Ito naman pagkatapos ako lagyan ng anesthesia, e tinulak-tulak ng mala-screwdriver na gadget.

As for the left side na walang ginalaw, tama ang tubo ng ngipin sa lower part, at for some reason ay wala akong wisdom tooth sa upper left. Either daw nag-migrate to be a regular tooth or natanggal na for some reason when I was younger, or talagang wala pa s'ya at sa susunod pa magpaparamdam.

Nakakaloka lang kasi super namaga talaga ang fez! Square talaga ang mukha ko. Sabi ng mom ko, kamukha ko raw yung dati kong cheeks nung bata pa ko na parang nakalaylay. May picture ako ng mukha ko at ng mga ngipin ko pero hindi ko na gustong ipakita dito. Hahaha.

Hindi rin ako nahirapan kumain! Mas marami pa nga akong nakain kaysa sa mga regular days e. Kung saan-saan din ako pumunta, as in right after the surgery! One week after, I even went to Pagadian.

Ngayon ay nag-aadjust pa rin ako sa bagong configuration ng ngipin ko. Nakaka-panibago lang kasi gumagalaw pa ang parts ng gums na hiniwa. Kailangan ko na rin sanayin ulit ang jaw ko, kasi for the longest time hindi ko na s'ya ma-fully open.

Hay... buti tapos na. Problema lang ngayon e wala na kong pera.

1 comment:

  1. ahehe buti ka pa. actually dapat dati pa ako natanggalan ng wisdom (teeth)... impacted kasi. hay. pero di na sumasakit ngayon... tapos di naman umuurong ang ibang ngipin ko.... pero malamang kailangan pa rin tanggalin. natulog ata ang aking wisdom haha

    ReplyDelete