Monday, January 22, 2007

Pranskter Pranked

Kahapon after namin mag-snack ni Momon, bigla na lang s'yang di gumagalaw at di nagsasalita. Napatingin s'ya sa right leg n'ya... at alam ko nang nakatulog ang binti n'ya.

E ako naman, pilya, sadista at sadyang loka loka! Hahaha! Opportunity na 'to!
Tinusok-tusok ko! Kinurot-kurot! Sinampal sampal! Lahat na!

Di na maipinta ang mukha ni Momon! Kung naka-experience na kayong makatulog ang binti n'yo, alam n'yo na kung anong ibig kong sabihin. Para kang sabay na kinikiliti at sinaksaktan. Si Momon, nakangiti na nakasimangot, nagpipigil ng emosyon, walang masabi, di rin makasigaw or makapag-protesta. Tapos, biglang tumawa!

Yun pala...
yung left leg naman n'ya yung tulog.

1 comment: