Naaalala ko dati... ganun din kalakas ang ulan, may hangin din naman at may posibilidad na magka-baha pero may pasok pa rin kami. Di ba nga hinahangin-hangin na ang lahat sa 4th floor tuloy pa rin ang lesson. Basa na kayong lahat papunta, naka-pila na ang mga payong n'yo sa labas ng room, pero may klase talaga.
Naiintindihan ko na kailangan walang pasok ang mga bata... pero high school at college?! Grabe!
Kung ang iniisip naman nila ay baha, sa palagay ko OA pa rin. Medyo nalinis na kasi ng MMDA ang mga kanal kaya di na gaanong bumabaha ngayon. Panay gutter-level na lang, na obviously kaya naman. Dumaan nga ako sa EspaƱa kahapon, malakas ang ulan pero walang baha.
Sa totoo lang... yung mga bata rin yung kawawa kasi babayaran din naman nila yung hindi nila pinasok na mga araw. Sana mas maging discriminating naman sa pagsu-suspinde ng klase.
Bakit ba ko apektado dito... di naman ako estudyante?!