Galit na talaga ako kay Amelie Mauresmo. ROAR!
Natalo si Justine Henin-Hardenne (2-6, 6-3, 6-4). Hindi gumana ang kanyang super one-handed backhand. Wimbeldon na lang sana ang kulang n'ya sa Grand Slam titles... hay.
Ang totoo, dati pa ko may namumuong kainisan kay Mauresmo. Nag-umpisa 'to nung talunin n'ya ang isa ko pang paborito na si Martina Hingis sa Australian Open. Dito nag-umpisa ang downfall ni Hingis.
At lately, talagang sinusubaybayan ko na si Henin-Hardenne. Sabi nga sa isang PDI article na nabasa ko, dying breed na daw ang mga kagaya ni Henin-Hardenne sa mundo ng women's tennis ngayon. Wala nang lugar para sa mga "finesse" players, hindi na nila kakayanin ang mga "power" players. Pinasimunuan kasi ng Williams sisters, sunod na ang mga Russian giantesses.
Kaya bilib ako kay Henin-Hardenne. She is the exception to the rule. 5'5" lang s'ya, hindi nagga-grunt, naka-relo, naka-cap, may sleeves, minsan may collar pa. Naka-white or pale pink kahit hindi Wimbledon, clean looking! Ang ganda ng thigh at forearm muscles n'ya! At s'ya ang perfect combination ng finesse at power with her killer one-handed backhand.
Hay... next year na lang ulit.
Federer vs. Nadal naman tonight. Hindi ako decided kung kanino ako kakampi.
pero wala sa itsura ni justine henin-hardenne na 2 years lang ang tanda nya kin at 1 year lang syo. tagal ko na ring iniisip na wala pa syang 25 eh. pero sa totoo lang magaling nga syang player kahit na hindi nya kasing tangkad yung iba.
ReplyDeleteoo nga! kasi misis na s'ya kaya ganun. kaya feel natin na matanda na s'ya.
ReplyDeleteGame Mrs. Henin-Hardenne!
ako, Nadal ako! hehe. ^^
ReplyDelete