Tuesday, July 25, 2006

Suspended Na Naman?!

What's up with these class suspensions? Konting ulan lang wala nang pasok agad.

Naaalala ko dati... ganun din kalakas ang ulan, may hangin din naman at may posibilidad na magka-baha pero may pasok pa rin kami. Di ba nga hinahangin-hangin na ang lahat sa 4th floor tuloy pa rin ang lesson. Basa na kayong lahat papunta, naka-pila na ang mga payong n'yo sa labas ng room, pero may klase talaga.

Naiintindihan ko na kailangan walang pasok ang mga bata... pero high school at college?! Grabe!

Kung ang iniisip naman nila ay baha, sa palagay ko OA pa rin. Medyo nalinis na kasi ng MMDA ang mga kanal kaya di na gaanong bumabaha ngayon. Panay gutter-level na lang, na obviously kaya naman. Dumaan nga ako sa EspaƱa kahapon, malakas ang ulan pero walang baha.

Sa totoo lang... yung mga bata rin yung kawawa kasi babayaran din naman nila yung hindi nila pinasok na mga araw. Sana mas maging discriminating naman sa pagsu-suspinde ng klase.

Bakit ba ko apektado dito... di naman ako estudyante?!

3 comments:

  1. tama ka, sunod-sunod nga ang suspension ng classes. kaya nga nagbabalak ang DepEd na gawing sept ang pasukan para daw yung bakasyon ay sakto sa mga mabagyong buwan.

    isipin n'yo na lang kung matutuloy yun, paano na ang beach? beach sa gitna ng bagyo? hmm... sabagay may kilala akong nag-night nag-swimming nang may bagyo. wehehe

    ReplyDelete
  2. oo nga! yun din naisip ko. bakasyon ang mga bata pag tag-ulan at nag-aaral habang super init!

    tsaka naisip ko... hindi solution na i-move ang classes dahil binabaha ang rooms. ang solution is ayusin ang classrooms para kahit umuulan hindi babahain.

    lastly... di ba yung mga naglilinis at nagco-construct sa summer gumagawa... mas mahirap kaya magconstruct pag tag-ulan!

    ReplyDelete
  3. alam ko kung bakit ka apektado.... kasi hindi appliccable sa hindi students ang suspensions!! waaaaaa T___T

    ReplyDelete