Thursday, May 06, 2010

Hanna and Joseph

Hanna and Joseph
Candle Sponsors

No, hindi sila mag-boyfriend or mag-asawa. Uma-acting lang sila dito sa eksenang 'to na parang bagong kasal sa kanilang bagong kusina. Hahaha! Ang totoo, lagi silang nagkukulitan nagbabarahan, at nagbi-bitchesahan. Sino kaya sa kanila ang mas bitchesa? Pero ang mas totoo, kami ay magkakaibigang tunay, na hinubog ng aming mga karanasan mula sa Kabataan News Network, mapunta man ng Astoria, Antipolo, Malacanan, o saan mang dako ng Teacher's Village.

So, pano ko ba sinabi sa kanila?

HANNA
Si Hanna una ko talagang naisip para maging commentator. So, sinabi ko na sa kanya yun. Mega-enthusiastic ang lola, kailan daw ba kami magpa-practice. So, one night... kumain kami ni Hanna sa Timog Food Plaza dahil meron akong ipapa-abot sa kanya sa isa pang katrabaho. Sunod kong inabot, isang card na madrama na makwela. Na-touch naman sya. Ngayon, may kapantay na yata ako sa excitement dito sa wedding na 'to. Gusto ni Hanna lagi mag-meeting sa progress, kailan daw ba kami magpupunta sa divisoria. Grabe, heaven sent!

JOSEPH
Inisipan namin ni Hanna ng gimmick. Sabi ni Hanna, gawan ko rin daw si Joseph ng card. Sabi ko naman, baka di ma-appreciate. So, katapus-tapusan, ginawan ko na lang sya ng matchbox na may magandang pabalat, na nandun ang sort of invitation na maging candle sponsor sya. E kaso binigay namin to sa kanya sa habang kumakain ng isaw, sa dilim. Natural di n'ya mabasa! Hahaha! Akala tuloy n'ya binibigyan ko s'ya ng gagaba na nasa loob ng box ng posporo. Imagine, ako magbibigay ng gagamba!

Tapos nung pauwi na kami kinwento namin kay Joseph na dapat sana card ang ibibigay ko sa kanya. Dapat daw nakalagay, "Joseph, I love you. That's why I have chosen you to be part of my entourage." Hahaha, classic Joseph 'to! Magawa nga!

No comments:

Post a Comment