Friday, July 29, 2005

Cellphone Chikka!

Friends! I need your help. Reply kayo ha?
Okay... I'm just about due to buy a new cellphone. Yung kasing 7650 ko ay nalaspag na; and my 3315 is no longer as handy with the things I do these days. Here's where you come in. Tulungan n'yo sana ako sa pagpili ng bagong cellphone na bibilhin.

My requirements:
I need something with a good amount of memory. Yun bang kahit sobrang dami na ng numbers ay hindi pa rin stressed.
Since camera phones are in, I just want something with good resolution. Wag naman kagaya nung mga 7210 phone na yucky (Sorry sa Tatay ko.)
I also would like something na magaan, at hindi bulky. Medyo nadala kasi ako sa 7650 dahil ang hirap n'ya ihandle.
Syempre, kailangan matibay. Yung kahit ilang bagsak ay okay pa rin, at hindi ka kakabahan mawawarak s'ya agad.
Maganda rin kung di gaanong flashy. Yun bang kahit nasa labas ka or nagco-commute, hindi nakaka-draw ng attention. Nakaka-stress kasi pag ganon e.
At sana... okay naman ang price. Something that's worth the money.

At the moment, I have this preference for the Nokia 6600. Naaliw kasi ako sa phone ni Vincent. Okay ang resolution (nakatapat sa 7650), magaan at malaki ang memory. Cool pa lalo yung sa kanya kasi ang daming applications. Kaya lang naisip ko... ang dami nang may ganon, tsaka medyo luma na s'ya. So... ano kaya?

Masyado bang madaming ek-ek? Pagpasensyahan n'yo na. Sana makapag-suggest kayo ng mga phones na pwede. Mag-review din kayo ng mga ibang phones na meron kayo.

Please friends! Aasahan ko kayo!

Saturday, July 23, 2005

Harry Potter and the Half-Blood Prince

WARNING: Medyo may SPOILER

Sa totoo lang, ayoko sanang gawan ng entry to... pero hindi ko kaya!
I'm so hurt! As in napapanaginipan ko pa rin! Pag gising ako, yun ang naiisip ko.
Ang sakit ng mga pangyayari! Hindi ko matanggap! Ayokong tanggapin!
Iniisip ko na lang na siguro babalik din s'ya kagaya ni Gandalf... or kung hindi man, ito ay dahil kailangan talagang harapin ni Harry si Lord Voldemort na mag-isa.
Either way... mami-miss ko s'ya! Siyet!

Calm down Ros... Really. Tingnan mo na lang muna ang iba-ibang covers... Relax.

Image hosted by TinyPic.com



Hay, walang effect.

It still really bothers and amazes me kung pano umandar ang storya mula nung mga batang adventurers lang sila sa Sorcerer's Stone hanggang sa mga teens na sila na naghahandang pumatay dito sa Half-Blood Prince. In my opinion, hindi na matatawag na children's book ang Harry Potter. (Kaya mga kids, amina lahat ng mga kopya n'yo! Hehe!)

Actually, nung una kong nakuha ang book ko, ayaw ko pang basahin sana, sobrang sad kasi talaga pag nauubos na yung pages... pero s'yempre gusto ko rin namang matapos. At naisip ko pa, pag natapos ko na, dalawang taon na naman ang hihintayin ko para makapagbasa ulit. Tapos pag dumating na yung book na yun, yun na ang katapusan. Hay... ewan ko ba.

Sobrang confused talaga ako ngayon... at talagang naapektuhan ako. Kaya titigilan ko na 'tong entry na to kasi kahit ang daming nasa isip ko... wala akong maisulat. Kaya rin ang gulo-gulo 'tong entry na to... pagpasensyahan n'yo na.

I'm sure kahit mukhang OA ay maiintindihan naman ako ng mga ibang Harry Potter fans d'yan. Alam kong hindi ako nag-iisa. (Sabay iyak! Huhuhu!)

Wednesday, July 20, 2005

Mr. Peter Rabbitt

Bilang isang Broad student noon, merong mga assignments na kinailangan naming pumunta sa TV stations para manghingi ng lumang scripts o kaya mag-interview ng mga media practitioners chenes. Nang minsang pumunta kami sa Kapamilya channel upang humingi ng script kay Mr. Peter Musngi (VP for Radio, if I’m not mistaken) ay kulang na lang ay ipagtabuyan kami ng guard. Sabi ba naman sa amin, “Mga hija, (Ros, Mae-ann and Raech), alam n’yo bang si Mr. Musngi ay isa sa mga big boss dito? At hindi n’yo s’ya basta basta makaka-usap.” As in bawal pumasok. Ni anino namin ay bawal lumampas sa mga rehas ng gate nila. Ok fine!

Pero ngayon… si Mr. Musngi na ang tumatawag sa akin! Textmates pa kami!
Naks naman! Yes, the mother voice of Channel Two. S’ya mismo, yung naririnig n'yong nagvo-voice ng lahat ng plugs, commercials ng channel two!
THE Peter Musngi. The one and only Peter Rabbitt!

Lagi kasi namin s’yang talent sa voicing ng mga AVP namin. Alam n’yo bang talagang astig s’ya dahil isang basa lang n’ya sa text, perfect na ang delivery, with all the pauses, the stresses at kung anu-ano pa! All the drama and the subtleties, nandon na lahat. Kaya naman for a mere 15 minutes of voicing ay kumikita na s’ya agad ng 8,000 pesos!

Kakaiba talaga nung una kong na-meet si Sir Peter (hehe, feeling close). Parang may out of the body experience ang boses n’ya. Never ko pa kasi na-associate ang boses n’ya sa kahit sinong tao. Kaya nga nung nagrecord kami, pumikit na lang ako para hindi ako madistract. Aside from that, mabait s’ya, very friendly at mabilis magreply ng schedule n’ya. Minsan, s’ya pa ang nagco-confirm.

Hmpf! Kainis talaga yung guard na yun!

Monday, July 11, 2005

Shakey's V-League Championship

Image hosted by TinyPic.com



The third set was the real clincher. From then on, na-sense ko na definite nang matatalo ang UST. After around 20 dead locks, natapos din ang set with 30-28. LaSalle showed complete composure as UST gave up set points due to unnecessary errors! And when the UST squad started the fourth set, completely deflated, they brought with them a quiet resolve to easily hand over the championship to LaSalle.

The De LaSalle Lady Archers deserved every bit of their victory. I was really impressed by several of their players. I commend Maureen Penetrante. Grabe and depensa n'ya, ang galing n'ya mag-block and she led her team very well. Michelle Carolino, well, what can I say... feeling ko ang bigat bigat ng palo n'ya. Yun yung tipong maaalala mo yung feeling forever sakali mang maputo mo kahit isa lang sa mga M-9 spikes. Charmaine PeƱano, the libero, iba s'ya, she's so fast and effective. Di talaga n'ya tinatantanan yung bola. Aside from these three, there were also their other reliable players, Desiree Hernandez and Manilla Santos. Si Santos, parang cute na cute ang lahat sa kanya kasi di s'ya kasing tangkad pero ang taas tumalon at ang lakas din pumalo. Their settter, Chi Saet, is definitely a talented setter; hindi s'ya flashy, but she distributes the ball very well.

As for UST, talagang na-disappoint ako. Sa totoo lang, sa UST talaga ako kampi.

I'm sorry, but I'm not truly impressed with the performance of Roxanne Pimentel. The announcers kept on putting her on a pedestal. Tuloy, it got so high that she landed so hard. Basang-basa ng mga LaSalle yung running spike n'ya, at wala s'yang depensa sa likod, kaya kailangan tuloy s'yang palitan ng libero. Okay lang naman yun kung magaling yung libero ng UST, e hindi gaano e! The last two points for LaSalle in the fourth and final set was due to Roxanne Pimentel's errors. And mind you, this was exatly like last season's championship match.

Masasabi ko pang tunay at malayong magaling si Mary Jean Balse kaysa kay Pimentel. Si Balse, may depensa at may variety and mga palo. Naiinis din ako sa UST dahil ang dami nilang errors, lalo na sa mga instances na hinding hindi pwede magkamali. RALLY POINT PO TAYO. Kapansin-pansin din na parang hindi sila all-out sa laro. Di sila nagda-dive at minsan naku-kuntento na lang sa pago-over ng bola. Nasayang tuloy ang efforts nila Joyce Pano at Venus Bernal. Hay... ganon talaga.

Oh well, anuman ang resulta, masaya pa rin ako sa V-League. Sana magtuloy-tuloy to sa isang professional volleyball league dito sa Pinas.

Sali!

Thursday, July 07, 2005

Tagboard Issues

Mga kaibigan! Kailangan ko po ng inyong comments.
What do you think of the new location of the tagboard?
Medyo napilitan akong ilagay s’ya dito kasi ayaw n’yang mag-stay sa sidebar. Pag nilagay s’ya doon ay lumilipat ang sidebar sa baba at nasisira ang buong layout.

Kaya lang may doubts or reservations ako sa paglalagay ng tagboard dito. Para kasing natatabunan n’ya ang mga posts at nawawala ang essence ng ating mga blog.

Siyet! Ang drama. Tagboard lang kinakarir! Potah!

Kayo, ano sa tingin n’yo?

Pero kung may solution kayo at alam n’yo ang way para mailagay ko nga s’ya sa sidebar… e di mas maganda.

Tuesday, July 05, 2005

The Pain of Being Wise

Ang sakit ng WISDOM TOOTH ko!

Sa totoo lang, hindi ito ang first time na sumakit ito. Pero this time around, hindi ko na talaga nakaya at dumulog na ako sa aking beautiful dentist na si Dra. Aurie. (Plugging: She’s a great dentist, sobrang bait at kinakantahan ka pa habang may procedure. Her clinic is in East Maya St., Philam. Kung kailangan n’yo ng dentist, chika n’yo lang sakin. Hehe.)

Anyway... ang sabi n’ya... dapat raw tanggalin ang mga wisdom teeth ko. Normal lang naman daw ang sumakit ito, pero medyo mas masama yung sa akin dahil namamaga ang gums. Yikes!

Pero hindi pa ko mare-relieve agad kasi makakapagpa-surgery lang ako pag pwede na akong mag-leave ng four days. At bakit? Kasi, mamamaga ang mukha ko after the operation. At syempre, mago-groggy pa ko with all the anesthesia.

Malamang sa August na to matatanggal.
For now, magiging addict muna ako sa mefenamic acid. Waah!