Sa totoo lang, ayoko sanang gawan ng entry to... pero hindi ko kaya!
I'm so hurt! As in napapanaginipan ko pa rin! Pag gising ako, yun ang naiisip ko.
Ang sakit ng mga pangyayari! Hindi ko matanggap! Ayokong tanggapin!
Iniisip ko na lang na siguro babalik din s'ya kagaya ni Gandalf... or kung hindi man, ito ay dahil kailangan talagang harapin ni Harry si Lord Voldemort na mag-isa.
Either way... mami-miss ko s'ya! Siyet!
Calm down Ros... Really. Tingnan mo na lang muna ang iba-ibang covers... Relax.
Hay, walang effect.
It still really bothers and amazes me kung pano umandar ang storya mula nung mga batang adventurers lang sila sa Sorcerer's Stone hanggang sa mga teens na sila na naghahandang pumatay dito sa Half-Blood Prince. In my opinion, hindi na matatawag na children's book ang Harry Potter. (Kaya mga kids, amina lahat ng mga kopya n'yo! Hehe!)
Actually, nung una kong nakuha ang book ko, ayaw ko pang basahin sana, sobrang sad kasi talaga pag nauubos na yung pages... pero s'yempre gusto ko rin namang matapos. At naisip ko pa, pag natapos ko na, dalawang taon na naman ang hihintayin ko para makapagbasa ulit. Tapos pag dumating na yung book na yun, yun na ang katapusan. Hay... ewan ko ba.
Sobrang confused talaga ako ngayon... at talagang naapektuhan ako. Kaya titigilan ko na 'tong entry na to kasi kahit ang daming nasa isip ko... wala akong maisulat. Kaya rin ang gulo-gulo 'tong entry na to... pagpasensyahan n'yo na.
I'm sure kahit mukhang OA ay maiintindihan naman ako ng mga ibang Harry Potter fans d'yan. Alam kong hindi ako nag-iisa. (Sabay iyak! Huhuhu!)
Ros alam ko ang ibig mong sabihin! Sobrang nalungkot din ako sa librong ito... T_T Ewan ko ba, parang ang bilis ng mga pangyayari. Inulit ko pang basahin yung part na nakakashock talaga, parang ayaw ko lang talagang maniwala. :(
ReplyDeleteNgayon pa lang excited na akong mabasa yung susunod! Kahit na yun na ang last book (baka may 8th book pa?), gusto ko kasi malaman kung ano na mangyayari, kung ano na gagawin nila, ngayon at wala na silang guidance. At yun, para may closure na rin... :)
di ko pa nababasa, at parang wala na kong gana basahin dahil sa mga sinabi ng people. tinanong ko na nga kung sinong namatay at sino ang halfblood prince (ALAM KO NA KUNG SINO). pero ok lang. babasahin ko na rin. as soon as magkaroon na ko ng kopya =) how sad naman na na-sa-sad kayo =( pero OK ba? worth bang basahin? page-turner ba sya?
ReplyDeletelenina! oo... worth naman basahin. maganda s'ya and sobrang ganda ng pagset-up n'ya as 7th and last novel. basahin mo pa rin!
ReplyDeleteros, isa rin ako sa mga nagluluksa hanggang ngayon. pagkatapos kong basahin last week, pumasok ako sa work na may sakit. feeling ko dahil yun sa mga nangyaring sobrang nakakalungkot talaga.
ReplyDeleteuy! anon, sino ka? sinadya mo bang maging anonymous?
ReplyDeleteanyway... wawa ka naman. ang sakit talaga no?