Bilang isang Broad student noon, merong mga assignments na kinailangan naming pumunta sa TV stations para manghingi ng lumang scripts o kaya mag-interview ng mga media practitioners chenes. Nang minsang pumunta kami sa Kapamilya channel upang humingi ng script kay Mr. Peter Musngi (VP for Radio, if I’m not mistaken) ay kulang na lang ay ipagtabuyan kami ng guard. Sabi ba naman sa amin, “Mga hija, (Ros, Mae-ann and Raech), alam n’yo bang si Mr. Musngi ay isa sa mga big boss dito? At hindi n’yo s’ya basta basta makaka-usap.” As in bawal pumasok. Ni anino namin ay bawal lumampas sa mga rehas ng gate nila. Ok fine!
Pero ngayon… si Mr. Musngi na ang tumatawag sa akin! Textmates pa kami!
Naks naman! Yes, the mother voice of Channel Two. S’ya mismo, yung naririnig n'yong nagvo-voice ng lahat ng plugs, commercials ng channel two!
THE Peter Musngi. The one and only Peter Rabbitt!
Lagi kasi namin s’yang talent sa voicing ng mga AVP namin. Alam n’yo bang talagang astig s’ya dahil isang basa lang n’ya sa text, perfect na ang delivery, with all the pauses, the stresses at kung anu-ano pa! All the drama and the subtleties, nandon na lahat. Kaya naman for a mere 15 minutes of voicing ay kumikita na s’ya agad ng 8,000 pesos!
Kakaiba talaga nung una kong na-meet si Sir Peter (hehe, feeling close). Parang may out of the body experience ang boses n’ya. Never ko pa kasi na-associate ang boses n’ya sa kahit sinong tao. Kaya nga nung nagrecord kami, pumikit na lang ako para hindi ako madistract. Aside from that, mabait s’ya, very friendly at mabilis magreply ng schedule n’ya. Minsan, s’ya pa ang nagco-confirm.
Hmpf! Kainis talaga yung guard na yun!
ASTIGGGG. Kahit ba naman hindi ko kilala si Mr. Musngi (pasensya na sa kamangmangan ko sa media-related personalities), astig na textmates na kayo ngayon, kaya congrats! Ibang klase talaga kasi mang-trato ang ibang guard diyan no! Nandiyan tayo, pinaniniwalaan ang karangalan ng trabaho ng bawat tao, tapos ang katayuan natin bilang mga nagsisikap na estudyante ay binabale-wala lang nila! Hrmph!!! Kung pwede mo lang siya balikan.
ReplyDeleteina! puso mo! hehe.
ReplyDeletehindi na tayo estudyante ngayon... pero sa tingin ko pag bumalik ako dun... medyo itataboy pa rin n'ya ko. ngayon na lang, may isasagot na ko sa kanya! haha!