Sunday, September 25, 2005

Mean Students

Ang saya saya mag-reminisce ng mga memories sa eskwela... di ba?
E naaalala n’yo pa ba yung mga kalokohan ng teachers n’yo na talagang tumatak na sa inyong mga kamalayan!? Something like these...

-----------------------------------
Isang hapong sinermohan tayo ni Ma’am Hilario dahil sa ginawang letter ni Bennet...

Ma’am Hilario: Ikaw ba yung gumawa ng sulat?! Ano yung nakalagay don na naka-enclose sa COLON!?

Do you mean PARENTHESIS Ma’am?

-----------------------------------
Isang beses na nagpapa-exam si Ma’am Villaluna...

Ma’am Villaluna: Ok... everybody please refrain from cheating. Capital C-H-E-A-T-I-N-G. Refrain!

Ahem... buti na lang hindi spelling contest ito.

-----------------------------------

Kayo... kwento!

Friday, September 23, 2005

Koko Krunch!


Happy birthday to my best friend, Bennet!
Ang aking Koko! Love you so much!

Sunday, September 18, 2005

Wala lang!

Gosh guys! Wala akong magawang update!
Yun kasing mga naiisip ko na topics ay parang kailangan na matagal akong mag-compose at damdamin ko talaga. In the words of Momon... i-keser! E wala akong time!

Meanwhile... ito muna.
Share ko lang yung mga pics namin sa Chowking leafleting. Wala lang!




Here are the models at Rufino Pacific Tower in Ayala...
Tama bang hindi alisin ang marker ng wet floor bago magpicturan?!




Tapos a Pacific Star...
Sayang kasi inulan kaya di sila naka-pwesto sa mga sidewalks. Mas marami sanang nabigyan.


Then meron din sa Makati City Hall...
Dito madaming tao talaga. Kaya lang wawa ang girls kasi medyo nababastos sila ng mga dirty old men!

Yun lang.
Masaya sila kasama... madadaldal. Kinukwento nila yung mga experiences nila sa iba't ibang activities. May 4 days pa kaming naiiwan, Monday to Thursday. Buong araw akong wala sa office!

After this... antabayan n'yo kami sa QC, San Juan, Camanava, Rizal at Marikina!
Dial 702-8888, Chowking Delivery! Tarush!

Saturday, September 10, 2005

702, double 8, double 8... Chowking Delivery!

Isang buwan na naming tina-trabaho ‘tong project namin sa Chowking. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nakaka-pagsimula! Hindi ko na iku-kwento kung anong mga aberya na inabot namin... pero ito ang pinakamalaking dagok...

Nung nagpick-up kami ng leaflets kahapon, ready na kami magdeliver sa mga buildings na pumayag na iwan na lang namin sa mga mailboxes at lobby guards nila ang leaflets. Naka-ayos na ang route, naka-ready na ang letters... syempre inayos na namin kasi yun ang trabaho namin e.

Pagkatapos mag akyat-baba ng utility namin sa maliit nilang service elevator, at nai-load na ang mga mabibigat na bundles sa aming car... binuksan ko ang isang pack...

ROAR! Hindi pa naka-fold ang leaflets! ONE HUNDRED TEN THOUSAND LEAFLETS ANG KAILANGAN NAMING I-FOLD. 32,200 DAPAT READY NA BY MONDAY! Pakshyet!

Syempre, hindi naman namin pwedeng sabihin sa Client na, "Hoy, di ba spinecify na namin na dapat pag nag-pick up kami ng leaflets ay ready to deliver na?! Hindi namin trabaho ang mag-fold!" Ayayayayayay...

Oh well... nahanapan na namin ng paraan... pero talaga namang ang laking issue sa office kahapon ang dinulot ng leaflets na yan!

Sana man lang may pa-consuelong buchi!

Thursday, September 01, 2005

Hay... Zzz...

When was the last time you did something for the first time?

Nitong isang gabi lang ay nagpunta ako sa Elements of Body Care sa may Magiting St., Teacher’s Village. (Plugging!) Binigyan kasi ako ng Tita ko ng gift certificate for a body scrub and facial as a gift for my graduation. Buti na lang nga at na-avail ko pa dahil mage-expire na s’ya.

My golly! Ang saya saya pala magpa-spa! Kaya naman pala ang daming mga naa-addict talaga! Ang kaisa-isa ko kasing experience sa spa ay yung nagpa-massage ako sa Celebrity. Syempe astig don, kaya lang di ko masyadong na-feel kasi medyo mahal. Mas type ko pa i-consume ang fees sa pagba-badminton at swimming.

Kahapon… syempre masarap at maganda ang experience! Libre e! Hehehe…
Pero kidding aside … talagang very relaxing s’ya. Pag pasok mo pa lang sa pinto ay ume-effect na agad ang aromatherapy. Yung body scrub naman, aside from it’s cleaning purposes can double as a soft massage. Hindi mo rin kailangan mag-worry na yucky yung skin mo or mataba ka kasi madilim naman ang rooms at very discreet din ang mga employees. Habang naka-wrap ka ay pwede kang matulog dahil very soft ang lighting at may sounds ng water at piano. Zzz…

Ang astig din nung steam sa umpisa para mabukas yung pores mo. Para kang Imuthis dahil ulo mo lang ang hindi nakapasok sa isang box na mainit na mainit. AS IN tutulo yung pawis mo na para kang naliligo! O di ba…parang nabawasan ka na rin ng onting weight! Hahaha… asa pa!

As for the facial, okay naman s’ya. Pero I still prefer yung facials sa Luz Facial Care (Plugging again!) Kasi sa Elements, mas priority nila ang i-pamper ang face, i-relax at i-soften. Sa Luz naman, mas nadadama mo talaga ang cleanliness ng mukha. Yun bang pag labas mo don, sure ka na malinis talaga ang mukha mo. Hindi rin sila dependent sa mga machines kaya malayong mas mura sa Luz! (Ros, stock holder ka ba sa Luz?!)

Hay… sure ako na babalik ako! Pero matagal pa ‘yon kasi pag-iipunan ko pa. Ta-try ko rin ang iba pang mga treatments para naman madalas kong masasabi na, ‘I did something for the first time…’ again and again and again.