Isang buwan na naming tina-trabaho ‘tong project namin sa Chowking. Hanggang ngayon ay hindi pa kami nakaka-pagsimula! Hindi ko na iku-kwento kung anong mga aberya na inabot namin... pero ito ang pinakamalaking dagok...
Nung nagpick-up kami ng leaflets kahapon, ready na kami magdeliver sa mga buildings na pumayag na iwan na lang namin sa mga mailboxes at lobby guards nila ang leaflets. Naka-ayos na ang route, naka-ready na ang letters... syempre inayos na namin kasi yun ang trabaho namin e.
Pagkatapos mag akyat-baba ng utility namin sa maliit nilang service elevator, at nai-load na ang mga mabibigat na bundles sa aming car... binuksan ko ang isang pack...
ROAR! Hindi pa naka-fold ang leaflets! ONE HUNDRED TEN THOUSAND LEAFLETS ANG KAILANGAN NAMING I-FOLD. 32,200 DAPAT READY NA BY MONDAY! Pakshyet!
Syempre, hindi naman namin pwedeng sabihin sa Client na, "Hoy, di ba spinecify na namin na dapat pag nag-pick up kami ng leaflets ay ready to deliver na?! Hindi namin trabaho ang mag-fold!" Ayayayayayay...
Oh well... nahanapan na namin ng paraan... pero talaga namang ang laking issue sa office kahapon ang dinulot ng leaflets na yan!
Sana man lang may pa-consuelong buchi!
Boycott CHOWKING! Haha.
ReplyDeletewag naman!
ReplyDeletee di lalabas na ineffective kami!
bad momon!
ay naku chowking! kung hindi ko lang gusto ang kangkong nila...
ReplyDelete