When was the last time you did something for the first time?
Nitong isang gabi lang ay nagpunta ako sa Elements of Body Care sa may Magiting St., Teacher’s Village. (Plugging!) Binigyan kasi ako ng Tita ko ng gift certificate for a body scrub and facial as a gift for my graduation. Buti na lang nga at na-avail ko pa dahil mage-expire na s’ya.
My golly! Ang saya saya pala magpa-spa! Kaya naman pala ang daming mga naa-addict talaga! Ang kaisa-isa ko kasing experience sa spa ay yung nagpa-massage ako sa Celebrity. Syempe astig don, kaya lang di ko masyadong na-feel kasi medyo mahal. Mas type ko pa i-consume ang fees sa pagba-badminton at swimming.
Kahapon… syempre masarap at maganda ang experience! Libre e! Hehehe…
Pero kidding aside … talagang very relaxing s’ya. Pag pasok mo pa lang sa pinto ay ume-effect na agad ang aromatherapy. Yung body scrub naman, aside from it’s cleaning purposes can double as a soft massage. Hindi mo rin kailangan mag-worry na yucky yung skin mo or mataba ka kasi madilim naman ang rooms at very discreet din ang mga employees. Habang naka-wrap ka ay pwede kang matulog dahil very soft ang lighting at may sounds ng water at piano. Zzz…
Ang astig din nung steam sa umpisa para mabukas yung pores mo. Para kang Imuthis dahil ulo mo lang ang hindi nakapasok sa isang box na mainit na mainit. AS IN tutulo yung pawis mo na para kang naliligo! O di ba…parang nabawasan ka na rin ng onting weight! Hahaha… asa pa!
As for the facial, okay naman s’ya. Pero I still prefer yung facials sa Luz Facial Care (Plugging again!) Kasi sa Elements, mas priority nila ang i-pamper ang face, i-relax at i-soften. Sa Luz naman, mas nadadama mo talaga ang cleanliness ng mukha. Yun bang pag labas mo don, sure ka na malinis talaga ang mukha mo. Hindi rin sila dependent sa mga machines kaya malayong mas mura sa Luz! (Ros, stock holder ka ba sa Luz?!)
Hay… sure ako na babalik ako! Pero matagal pa ‘yon kasi pag-iipunan ko pa. Ta-try ko rin ang iba pang mga treatments para naman madalas kong masasabi na, ‘I did something for the first time…’ again and again and again.
hmm... san ba yang luz na yan? naintriga ako ha. at saka gaano kamura ang mura?
ReplyDeleteay naku! maraming branches! meron sa visayas ave., fairview, congressional, atbp! san ba location mo?
ReplyDeleteP200 lang! kasama na yung mga check-up don na dalawa.
si rhea at jenny din, pumupunta don! let's go!
talaga?? nakakatuwa naman.
ReplyDeletehindi pa ako naka-try na magpafacial ever. ang alam ko mahal yun. sa face it yata 300+? ewan. si maki ang nakakaalam, siya ang suki dun.
hmm... sige one these months pupunta ako.
topsy!ang alam ko ung sa face it 300 ksama ung laser.basta pra mbawasan ung redness after facial.sabi lang ng friend kong c ianix.:)
ReplyDeletemura tlga sa luz.kay belo daw 1500 isang facial session lang.
pampering tlga mgpa facial. try mo! lalo n pg depress ka. hehe. ako pag depress deretso dun. hehe..
speaking of. andun kanina c kristine hermosa sa luz. ang payat at liit. pro suplada tska maarte. naiinis nga sa kanya ung mga andun e.:)
sa visayas branch ata maraming artista.hehe.la lang...:P
mym! kailan tayo punta ng luz? mwah!
ReplyDelete