I’ve been trying to write this entry for months now... Sa totoo lang, unang entry ko pa lang iniisip ko na kung paano ko gagawin ang entry na ‘to. Di ko ma-gets kung bakit hirap na hirap ako magsulat tungkol sa isang taong iniisip ko sa bawat segundo ng buhay ko.
Kasi naman! Ninakaw yung one liner ko! Para sa kaalaman ng lahat, akin yung “Mymah, you know your place in my life.” Sa lahat ng gusto ng pruweba, punta kayo sa CMC library, at hanapin n’yo ang thesis ko.
HAAAY... This entry is just so difficult... iniisip ko pa lang yung mga gusto kong sabihin, naiiyak na ko. AARRGGHH! I want my Mymah!
Grabe... ang dami kong gustong i-kwento at i-share... pero hindi ko makaya! Para kasi ‘tong yung song na “You are Everything” ng Stylistics. ... each face that I see brings back memories of being with you... You are everything, and everything is you. Naaalala ko rin yung isang movie ni Drew Barrymore, yung “Riding in Cars with Boys.” Sabi kasi ni Drew, minsan daw mahal na mahal natin ang isang tao... na sobrang hindi na natin maintindihan yung pagmamahal natin sa kanila. Yun bang kailangan hindi natin i-describe or i-quantify kung gano natin sila kamahal... kasi pag ginawa natin yon... malulunod tayo sa sarili nating emosyon. Sakto... ganon na ganon ang nararamdaman ko ngayon. Tsaka... parang ayoko yatang “i-reduce into words” kung gano kaimportante sa buhay ko ang Mymah ko. Ewan ko ba... parang naglalaban yung damdamin ko. Gusto kong i-share sa lahat pero hindi ko makayanan!
Sorry Mym... nagiging walang kwenta ang entry ko tungkol sa’yo. Walang justice! Siguro... simple lang naman e. (Oh my gosh... naiiyak na ko...) Ganito lang yun Mym...
Walang isang tao na hindi makakapagsabi kung gano mo ko pinapasaya at kung gano ako nagpapasalamat na nandito ka. Alam ko na araw-araw mong naririnig at nadadama to sakin, pero kalahati palang yun sa tunay na nararamdaman ko. Tama na sakin yung magkasama lang tayo, magkatabi at nag-uusap, nagluluto, kumakain, nagbabasa, nanonood ng TV, naglalaro, kumakanta, naglalakad, tumatawa, umiiyak, nagna-nap, nagli-linis, naga-aral, nage-exercise, nagma-maneho, nagba-bakasyon, nagta-trabaho, nabubuhay kasama ang mga kaibigan at pamilya, at nagmamahalan.
Alam ko na alam mo na, pero uulitin ko pa rin...
Mymah, you know your place in my life.
Mym, we know our places in our lives.
ReplyDeleteawww... dis s soo soo sweet ros. hay.. well, saksi kami ni vincent kng pano nagsimla at umusbong ang inyong pagmamahalan. and well, pati kami can't find enough words to describe how you guys feel for each other. para kasing sobra sobra ang pagmamahal pag magkasama kayo... pag magkakasama tayo.. :) love ko kayo mon and ros! *p.s ros ang ganda mo sa pic na ito! winner!;)*
ReplyDeleteYun bang kailangan hindi natin i-describe or i-quantify kung gano natin sila kamahal... kasi pag ginawa natin yon... malulunod tayo sa sarili nating emosyon
ReplyDelete===> tama, maganda na yung wag mong piliting ipaloob sa mga salita ang nararamdaman mo. ibang level na kasi yun, pag pinilit mo lang i-describe, para mo ring hinila pabalik sa lupa ang isang bagay na nasa kalawakan na. ^_^
PS tnx sa hug. na-appreciate ko.
@ia: wow, saksi pala kayo ni mymah. wehehe...