Friday, August 19, 2005

Wahaha!

Eksena:
May batang nakahiga sa kama at nanginginig. Pumasok ang kanyang ate, nagulat, at nagmamadaling at tinawag ang kanyang nanay.

Ate: Inay, inay! Nanlalamig po si Buboy!
Inay: Nanlalamig si Buboy! Bakit nanlalamig si Buboy?!

Ate: Kasi po tumutulo ang bubong!
Inay: Tumutulo ang bubong! Bakit tumutulo ang bubong?!

Ate: Kasi po, hindi pa po naaayos ni Itay!
Inay: Hindi pa inaayos ng Itay! Bakit hindi pa inaayos ng Itay?!

Ate: Kasi hindi pa po dumadating si Itay!
Inay: Hindi pa dumadating ang Itay! Bakit hindi pa dumadating ang Itay?!

Sinampal ng Ate ang kanyang Nanay!

Ate: Tumigil ka! Bago kita masampal!

--------------------------

Hehe! Try n'yo i-dramatize!

4 comments:

  1. ROOOOSSS!!!

    na-visualize ko with matching prod design at ilaw pa!

    dea pala ito! masyado akong ginanahang mag-comment!

    ReplyDelete
  2. dea!!!!
    iba ka talaga! miss you na!

    actually, napanood ko lang to sa going bulilit. e tawang-tawa ako!

    tipong pang bc124 no?!

    HINDI TAYO PANSITAN DITO!

    ReplyDelete