Avo Party!
Ang walang kakupas-kupas na mga high school classmates ko!
Ewan ko ba… pagdating na pagdating pa lang namin… tawa na kami nang tawa. At yung tawa na tawang-tawa talaga! Hindi ko ma-describe, basta sobrang saya.
Bulacan Paradise!
Dahil nag-hybernate na si Jen sa probinsya… naisipan naming bisitahin… este… bulabugin s’ya! Kaya naman nagbyahe kami papuntang Malolos para magswim… kumain at "kalimutan ang problema." Nag-explore din kami sa Malolos ng onti.
Ang daming memorable moments:
Muntik na kaming malunod pagkatapos ng slide kahit na 5 feet lang ang lalim ng tubig.
Nagslide si Bennet tapos may bata sa foot ng slide… nadaganan tuloy n’ya.
Synchronized swimming number naming nila Momon at Vincent.
May malaking langaw na dumapo kay Vincent.
Hundred Islands!
Kahit mga taga-Pangasinan kami ay first time pa rin naming makarating sa Hundred Islands National Park. Nakaka-aliw s’ya at exciting din makita. Kaya lang… hindi s’ya ganong developed at well maintained. Medyo malayo s’ya at… medyo hindi worth sa trip. Ang main attraction lang naman kasi dun ay ang islands na madami. In terms of swimming at snorkelling… di s’ya okay at sira-sira na rin ang underwater attractions due to dynamite fishing. Sayang.
Trivia... pwede palang maglakad from one island to another. Hehe.
Longest Buffet!
Oh well, alam n’yo na ang storya ng naumsyame naming Guiness experience. Pero masaya pa rin naman… kasi nagdinner pa rin kami at nagpakasaya after magpa-picture amidst the chaos. Yung nasa likod namin ni Mon ay yung pila ng mga nagpapa-refund.
Ay oo nga pala! Magpapa-refund ako!
Abels’ Despedida!
At dahil paalis na si Abel papuntang Canada… nag-attend din ako sa despedida party n’ya. Sayang nga lang dahil onti ang nagpunta at maaga rin ako umuwi.
Abel… good luck d’yan sa Canada! Wag kang makakalimot!
O, sinong may sabi na magiging dull na ang buhay pag kabilang ka na sa working class?!
San ang sunod nating lakad?!
muntik na ako kabagan pagkabasa ko ng "May malaking langaw na dumapo kay Vincent."
ReplyDelete@___@
huwaw ang saya n'yo naman sa bulacan! how's jen? parang di ko na nakikita bf nun sa engg..
ReplyDeleteraingirl... bakit naman?! pero... sasabihin ko sayo... mas matatawa ka pag nandun ka. kasi naman si vincent inexagerrate yung reaction nya as in tumakbo takbo ng onti around the pool tapos nagsisigaw.
ReplyDeletedyan... si leo ay hindi na nagpatuloy sa kanyang pag-aaral. nag-call center na sya.
sabi ko sa inyo dapat mag-outing tayo!
waah ros! i miss those days.:) d bale. lapi na ulit break!!! mwah friend! miss ko na kayo!:)
ReplyDelete