Monday, June 26, 2006

Ang Bisikleta ni Ros

After 22 years... marunong na ako mag-bike!
Hindi ko ma-explain... Ang saya saya ko.
Napaka-simple lang di ba? Pero malaking bagay 'to sakin.

Akala ko talaga mamatay na kong hindi marunong magbisikleta. Minsan, naiisip ko na parang kakulangan na hindi ako marunong mag-bike kasi nga kapaluob na sa buhay ng isang bata ang matuto magbike, di ba? Parang right of passage s'ya sa totoo lang... may fear na sesemplang ka, na mababalian ka ng buto, magkakasugat, susubsob ang mukha mo... pero haharapin mo yun kasi gusto mong malampasan yung phase na yun.

Mga 12 years na siguro nung huli akong nag-try, naaalala ko pa ang mga eksena sa isip ko. Sa totoo lang, may takot pa rin sa dibdib ko nung nag-aral ako ulit last week. Grabe, takot na takot talaga ako. Isang parte sakin, hindi umaasang iba ang kalalabasan ng pagsubok kong matuto ngayon. Pero gusto kong isipin na mas matapang na ko ngayon... at mas determinadong matuto. Dagdag pa na talagang handa akong ibigay ang pagtitiwala ko sa nagturo sakin, alam ko kasi na di n'ya ko pababayaan. Pero kasabay ng pag-alalay n'ya ang paniniwala rin n'yang kaya ko talaga. Hindi n'ya ko hinayaang matakot at dumepende sa kanya. Kaya naman alam kong kahit wala na ang kamay n'ya sa mga hawakan, hindi s'ya nalalayo.

Hay... hindi pa rin ako expert, at kailangan ko pa ng maraming practice.
Matagal pa bago ko mag "no-hands".

Wednesday, June 21, 2006

Congrats MYaMi!!!

YES!!! Panalo!!!
I almost missed the game, akala ko Thursday pa. Congratulations, Miami Heat!

And congratulations to Momon... alam ko naman na deep inside you, umasa ka pa rin! Bahala na s'ya sa entry n'ya na sure akong magiging puno ng analysis, drama, at mga dinadamdam ng isang tunay na fan! Click here na lang.

Shaq and Wade

Friday, June 16, 2006

My Miami Fan

As I'm writing this entry, the Miami Heat is leading 40-35 against the Dallas Mavericks in the 4th game of the 2006 NBA Finals. Watching the games is now part of my role as Mymah.

Dahil nasa review si Momon, I have to watch the games for him. And at the precise moment the game ends, I have to text him about the results... not before it ends, and not way after. Hindi rin dapat magsend ng text kung humahabol ba... or malaki ba ang lamang. Final result lang, that's it.

Unfortunately, after the first two games lost, and the very close third game... Momon has given up hope. Meron s'yang bracelet na Miami colors, and just recently, nasira ito. Para sa kanya, senyales yon na talagang matatalo ang Miami. Hindi rin pwedeng ma-overexcite pag leading ang Heat kasi baka mahabol pa.

Kaya naman as his supporter, more than the Miami Heat's, I can't say, "Hindi... kaya pa yan!" Hindi ko rin pwedeng sabihin, "Tama ka. Wag na tayong manuod." So I just listen to his analysis, his rantings, predictions, rationalizations (may sense o wala), and his requests for me to comfort him.

Please... Miami Heat, manalo kayo. Para sa Mymah ko.

Wednesday, June 14, 2006

Find your Favorite!!!

Grabe!!! It's so meant to be. I was just blog hopping, I saw these blog things and looked for something that's nice to put on my blog. I tried this one....

Nakakaloka!!! I just answered the question, white chocolate wasn't even on any of the questions. Most were about how I feel when drinking coffee, where do I want to drink my coffee, etc. Tapos ito yung lumabas!

And this is actually my favorite! Ask anyone who goes to Starbucks with me. I've been having this drink since the start of the year. Although, I'd prefer ICED, kasi wala namang frap nito sa Pinas e.

White Chocolate Mocha Frappuccino

One of a kind and forward looking, you're the first to introduce a wacky new trend to your friends. And even if your ideas seem weird, they get adopted pretty quickly.

Gosh... I've found my favorite! And I think the description matches. We're really meant to be.

Venti Iced White Chocolate Mocca for Mym...

Tuesday, June 13, 2006

Unfair

Nadisappoint na naman ko.

I’m a big Kapamilya fan, alam n’yo yan. I watch TV all the time. Last Sunday, I watched the finale of Star Circle Summer Kid Quest. Quintin won. Hay... I just couldn’t understand it.

Believe me, I have nothing against Quintin, I think he’s cute, I think he’s talented. Pero para sakin si Mika ang dapat na nanalo. Mika was leading all through out the competition, and it’s a very convincing and well deserved lead. Kahit sa mga forums, si Mika ang gustong manalo ng mga tao: Mika – 45.76%, Quintin – 20.34%.

I’m just hurt for Mika na they had to sacrifice her para lang hindi masabing hindi “luto” ang laban, kasi nga kapatid s’ya ni Angelica. Na-sacrifice din s’ya para hindi predictable ang result. Grabe... I’m so hurt! Naaawa ako sa bata. What would she think now?! She knows that she’s the best, everyone thinks and tells her so... pero bakit hindi s’ya ang nanalo?

This is not the first time na ginawa ‘to ng ABS. Frankly, I’m sick of it! Kahit naiintindihan ko (to the extent of my studies and work) na maraming factors kung bakit iba ang result... hindi ko pa rin magets kung bakit laging ganon. Alam ko rin naman na in part deserving din naman ang mga nanalo... pero... hindi ko lang talaga magets. Paulit-ulit!

Star in a Million, Season 1: Erik and Sheryn
Search for a Star in a Million, Season 2: Tata and Kris
Cupids: PawEl and MhyZel (although kay PawEl ako kampi)

Pero sige... ano pa bang magagawa ko? Ewan ko ba.
Iisipin ko na lang na kadalasan naman na mas sumusikat ang hindi nananalo.

Kumare!


Happy birthday to my best friend, Rhea!
Love ya!