After 22 years... marunong na ako mag-bike!
Hindi ko ma-explain... Ang saya saya ko.
Napaka-simple lang di ba? Pero malaking bagay 'to sakin.
Akala ko talaga mamatay na kong hindi marunong magbisikleta. Minsan, naiisip ko na parang kakulangan na hindi ako marunong mag-bike kasi nga kapaluob na sa buhay ng isang bata ang matuto magbike, di ba? Parang right of passage s'ya sa totoo lang... may fear na sesemplang ka, na mababalian ka ng buto, magkakasugat, susubsob ang mukha mo... pero haharapin mo yun kasi gusto mong malampasan yung phase na yun.
Mga 12 years na siguro nung huli akong nag-try, naaalala ko pa ang mga eksena sa isip ko. Sa totoo lang, may takot pa rin sa dibdib ko nung nag-aral ako ulit last week. Grabe, takot na takot talaga ako. Isang parte sakin, hindi umaasang iba ang kalalabasan ng pagsubok kong matuto ngayon. Pero gusto kong isipin na mas matapang na ko ngayon... at mas determinadong matuto. Dagdag pa na talagang handa akong ibigay ang pagtitiwala ko sa nagturo sakin, alam ko kasi na di n'ya ko pababayaan. Pero kasabay ng pag-alalay n'ya ang paniniwala rin n'yang kaya ko talaga. Hindi n'ya ko hinayaang matakot at dumepende sa kanya. Kaya naman alam kong kahit wala na ang kamay n'ya sa mga hawakan, hindi s'ya nalalayo.
Hay... hindi pa rin ako expert, at kailangan ko pa ng maraming practice.
Matagal pa bago ko mag "no-hands".

yay! masaya mag-bisikleta...
ReplyDeletehmmm "no hands" ala benedict ba ito? :D
wow! i'm so proud of you...dahil ako hanggang ngayon hindi pa din marunong mag-bike! ahaha!!! go girl! sa susunod, tatalunin mo na si tony hawk...haha!!!
ReplyDeletenga pala, my blog's sporting a new URL: http://ulzzanghailie.blogspot.com.
^^