We booked Rejectkrew (Elmer Bautista) as our supplier for our Lights and Sounds.
The Story:
This is another no-brainer booking influenced by Weddings at Work. Elmer and his crew are one of the Top Ten Suppliers of 2009 and I’ve read numerous great reviews from other members. Di rin naman ako bago makipag-deal with lights and sounds supplier cause I used to work for events kaya alam ko na rin mga tatanungin ko. Nasagot rin n’ya lahat, syempre. Nagulat nga s’ya na tinatanong ko na yung mga ibang details like ingress and electricity requirements sa unang conversations pa lang namin. And of course, the most important, his rate is below our budget. So bakit pa namin papahirapan ang sarili namin… s’ya na.
Initial Observations:
As if this wasn’t enough, grabe, ang ganda ng attitude ni Elmer.
Una ko pa lang sya nakausap sa phone, na-feel ko kaagad ang enthusiasm n’ya sa trabaho at ang kasiyahan n’ya na s’ya ang napili namin. Sa lahat ng text, sobra s’yang magalang. Hanggang sa nagkita na kami… maayos s’yang kausap, marami s’yang ideas pero gusto n'ya malaman ang ideas ng couple para yun ang gagamitin n'yang inspiration. May “title” na nga s’ya para sa lighting na gagawin nya sa Adarna.
We also talked about things beyond his service. He shared his ideas about the whole reception program, mga crucial details that were truly helpful.
Soundbytes ni Elmer:
* Ako kasi Ma’am, hindi ko nililimitahan ang sarili ko sa trabaho ko lang. Na-experience ko na yung parang ako yung nagging coordinator. Ako yung tumatangap ng mga nagse-set-up na suppliers. Kasi naniniwala ako na para maging successful ang event, dapat lahat malinis, dapat nasa best form, at dapat magtulungan kami.
* Ang promise ko sa inyo Ma’am… actually hindi promise, guarantee. Ang guarantee ko sa inyo, hindi ako magpapatay ng ilaw at ng sounds hangga’t may bisita kayo.
So there, til October. Sana ma-experience rin namin ang mga na-experience ng mga nauna sakin. :)
No comments:
Post a Comment