Saturday, August 27, 2005

Mymah

I’ve been trying to write this entry for months now... Sa totoo lang, unang entry ko pa lang iniisip ko na kung paano ko gagawin ang entry na ‘to. Di ko ma-gets kung bakit hirap na hirap ako magsulat tungkol sa isang taong iniisip ko sa bawat segundo ng buhay ko.

Kasi naman! Ninakaw yung one liner ko! Para sa kaalaman ng lahat, akin yung “Mymah, you know your place in my life.” Sa lahat ng gusto ng pruweba, punta kayo sa CMC library, at hanapin n’yo ang thesis ko.

HAAAY... This entry is just so difficult... iniisip ko pa lang yung mga gusto kong sabihin, naiiyak na ko. AARRGGHH! I want my Mymah!

Grabe... ang dami kong gustong i-kwento at i-share... pero hindi ko makaya! Para kasi ‘tong yung song na “You are Everything” ng Stylistics. ... each face that I see brings back memories of being with you... You are everything, and everything is you. Naaalala ko rin yung isang movie ni Drew Barrymore, yung “Riding in Cars with Boys.” Sabi kasi ni Drew, minsan daw mahal na mahal natin ang isang tao... na sobrang hindi na natin maintindihan yung pagmamahal natin sa kanila. Yun bang kailangan hindi natin i-describe or i-quantify kung gano natin sila kamahal... kasi pag ginawa natin yon... malulunod tayo sa sarili nating emosyon. Sakto... ganon na ganon ang nararamdaman ko ngayon. Tsaka... parang ayoko yatang “i-reduce into words” kung gano kaimportante sa buhay ko ang Mymah ko. Ewan ko ba... parang naglalaban yung damdamin ko. Gusto kong i-share sa lahat pero hindi ko makayanan!

Sorry Mym... nagiging walang kwenta ang entry ko tungkol sa’yo. Walang justice! Siguro... simple lang naman e. (Oh my gosh... naiiyak na ko...) Ganito lang yun Mym...

Walang isang tao na hindi makakapagsabi kung gano mo ko pinapasaya at kung gano ako nagpapasalamat na nandito ka. Alam ko na araw-araw mong naririnig at nadadama to sakin, pero kalahati palang yun sa tunay na nararamdaman ko. Tama na sakin yung magkasama lang tayo, magkatabi at nag-uusap, nagluluto, kumakain, nagbabasa, nanonood ng TV, naglalaro, kumakanta, naglalakad, tumatawa, umiiyak, nagna-nap, nagli-linis, naga-aral, nage-exercise, nagma-maneho, nagba-bakasyon, nagta-trabaho, nabubuhay kasama ang mga kaibigan at pamilya, at nagmamahalan.

Alam ko na alam mo na, pero uulitin ko pa rin...
Mymah, you know your place in my life.


Tuesday, August 23, 2005

Pahingi ng Pang-gasolina!

Nakuha ko lang 'to sa blog ni Dea, sabi ko, "Ma-try nga!"
Tingan n'yo ang results! Nakakatawa, nakakaloka at nakaka-intriga!
Iisang tao, iba-ibang pangalan, aba, iba-iba din daw ang patutunguhan! Wahaha!
Syempre, pinakamagandang result yung Ros, so ibig sabihin dapat yun ang i-embody kong pangalan.

Tingan nga natin at inspeksyunin isa-isa. Hahaha, kinarir!

Ros Highway
Contentment Meadows7
Tower of Commitment18
Study Hall59
Bog of Eternal Marriage124
Bewilderment Avenue462
Please Drive Carefully
Username:

Where are you on the highway of life?

From Go-Quiz.com


Di ko masyadong gets yung STUDY HALL. Hindi ba kakadaan ko lang doon? At bakit BOG ang marriage ko?! Hehehe! Oh well, parang feeling ko mag-stop na agad sa Contentment Meadows. Okay na ko don!


Mymah Highway
Family Farm5
Confusion Lane21
Valley of Depression46
Bankruptcity156
Childbirth Hospital211
Please Drive Carefully
Username:

Where are you on the highway of life?

From Go-Quiz.com


Uy! Mymah, pati ikaw kasali dito. Anong kapalaran natin?
FAMILY FARM!!!Pressure! Pero bakit ganon... parang after non, walang katapusang kabaliwan muna ang dadaanan bago makarating sa Childhood Hospital!
Dito ako talagang natawa!


Tootsie Highway
Valley of Depression7
Wealthville14
Bankruptcity51
Confusion Lane164
Lake Love519
Please Drive Carefully
Username:

Where are you on the highway of life?

From Go-Quiz.com



At eto naman ang aking di masyadong kilalang identity. Parang feel ko makarating sa Wealthville! Pero dapat di na ko tumuloy pa sa Bankruptcity! Kundi lagot!

Kayo, try n'yo rin!

Friday, August 19, 2005

Wahaha!

Eksena:
May batang nakahiga sa kama at nanginginig. Pumasok ang kanyang ate, nagulat, at nagmamadaling at tinawag ang kanyang nanay.

Ate: Inay, inay! Nanlalamig po si Buboy!
Inay: Nanlalamig si Buboy! Bakit nanlalamig si Buboy?!

Ate: Kasi po tumutulo ang bubong!
Inay: Tumutulo ang bubong! Bakit tumutulo ang bubong?!

Ate: Kasi po, hindi pa po naaayos ni Itay!
Inay: Hindi pa inaayos ng Itay! Bakit hindi pa inaayos ng Itay?!

Ate: Kasi hindi pa po dumadating si Itay!
Inay: Hindi pa dumadating ang Itay! Bakit hindi pa dumadating ang Itay?!

Sinampal ng Ate ang kanyang Nanay!

Ate: Tumigil ka! Bago kita masampal!

--------------------------

Hehe! Try n'yo i-dramatize!

Monday, August 15, 2005

A Tribute

There are things in life that make you realize that you are truly blessed. It may be different for every person: a good job, a nice car or a happy family. It could be anything.

Mine would be having these people as friends.
Sino sila? Let me introduce you.

Simple lang naman e…
Kampante ka pag sila ang kasama mo. Hindi mo kailangan manimbang, hindi mo kailangan mag-ingat sa mga masasabi mo. Alam mo ring walang masamang mangyayari, safe na safe ang feeling, at kung may di inaasahang kaganapan, alam mong aalagaan ka nila.

Lagi mo silang maaasahan, nandyan sila parati. Ilang beses mo mang hingin ang tulong nila ay hindi ka mabibigo.

Nire-respeto rin nila ang pribado mong buhay. Hindi nila tinatanong ang mga bagay na alam nilang dapat ay sa’yo lang. Pero kung ibabahagi mo sa kanila ang iyong mga sikreto, makakaasa kang pag-iingatan nila ang mga ito.

Malayo man kayo, hindi nababawasan ang pag-aalala n’yo sa kapakanan ng isa’t isa

Tanggap nila ang iyong mga kahinaan at pinupunan ito sa kanilang sariling paraan. Hindi rin sila nasisilaw sa iyong mga kakayahan, at tinutulungan ka pang pagyamanin ito.

Higit sa lahat, alam mong hindi kumpleto ang buhay kapag wala ang mga kaibigan mong ito. Ang mga kasiyahan at pagsubok mo, gusto mong ibahagi sa kanila, dahil karugtong na sila ng iyong pagkatao.

Dahil sa kanila, may ipag-papasalamat ka sa araw-araw.

Hay… Kaya naman if there’s one thing I wish for every person I know, it is that they find true friends like I have found mine.

And finally realize that they are truly blessed.


Saturday, August 06, 2005

“Tita Tootsie! Tita Tootsie!”

Sobrang okay lang sakin mag-byahe ng 6 hours para lang umuwi sa Pangasinan/or 25 hours papuntang US (yabang!) para lang makita at matawag na Tita ot Auntie Tootsie. Ang saya-saya makita ng mga lumulundag na bata na naghihintay sa pagdating mo.
Sa laki ng pamilya namin sa Padua side, marami na akong mga maliliit na pamangkin sa pinsan. Sa bahay, pictures nila ang screen saver namin. At kapag nagkikita-kita ang angkan, keber na ko sa ibang mga kapamilya, sa kanila lang ako naka-focus. Let me introduce you.

Si Jesse Andre, 5 years old, ay ang little dalaga namin. S’ya yung batang alam na maganda s’ya kaya demure at laging naka-ayos. Minsan pa nga raw, ayaw n’ya masyado kumain kasi daw baka s’ya tumaba. Pag wala sa mood, hindi ka n’ya papansinin, magtataas lang ng kilay sa mga tinatanong mo sa kanya. Pero kapag naman ok na kayo, ang dami n’yang kwento! Pinaka-favorite ko sa kanya ay yung pag nagpa-kiss ka sa kanya, sa lips ka n'ya iki-kiss. Sobrang sweet!

Si Jan Misaela, 4 years old, ay mahilig sumayaw at kumanta. Minsan nagdemo s’ya ng Choopeta at Walang Sabit dances. Nahawa na rin s’ya sa ate n’ya na demure kaya nung kasal ng cousin ko (flower girl s’ya) game na game s’ya sa pag-pose. Dahil sa kanya ay hindi ako masyadong naka-kain kasi pinakita n’ya sakin yung mga beauty preparations n’ya. Pasimple pa, sabi n’ya, “Naka-stockings ka?” Ako naman, “Oo. Bakit?” Bigla s’yang ngumiti at sabi, “Ako rin!” Tapos tinaas n’ya ng onti yung skirt n’ya tapos naka-stockings nga! With pink baby doll shoes!”

Si Danielle, 7 years old... ay Ate Danielle pala, (kasi ate na raw s’ya e.) ang pinaka-una kong pamangkin na naging close talaga ako. Mahinhin, sobrang bait at thoughtful. Minsan nagpabili s’ya sakin ng stickers, tapos gusto n’ya bilhan ko rin yung younger sister n’ya (si KC) para hindi raw ma-sad. Tapos gumawa kami ng artwork kung saan nilagay n’ya rin lahat nung stickers. Tapos, binigay n’ya sakin, gift raw n’ya, may kasama pang bubbles. Hay... hindi ako mauubusan sa kwento sa kanya. Sad nga lang kasi nasa States s’ya at kaya hindi kasing lapit ni Andre at JanJan. Minsan, naluluha ako dahil miss ko talaga s’ya. Nung pag-uwi nga nila from US, akala ko hindi n’ya ko maaalala. Pero pagka-kita pa lang namin sa airport, tumakbo s’ya tapos niyakap n’ya ko agad, “Auntie Tootsie!”

Si Kate or KC, 4 years old, ay namaos na sa kaka-ngawa. Super iyakin! Super lakas at matinis ang boses. Baby pa lang s’ya inalagaan ko na s’ya. For several weeks, ako nagpapalit ng diaper n’ya at nagpapatulog. Kaya naman may special bond na ko sa kanya. Nung lumaki na s’ya naging sobrang kulit! Pag nasa car kami, lagi n’yang gustong umupo sa lap ko, para raw makita n’ya yung labas. Wais din s’ya kasi minsan nag-uusap kami tungkol sa isang toy na gusto n’ya pero wala kami, ganito:
KC: Do you have that? Do you want it? I can buy one for you.
Autie Tootsie: Yeah? Do you have any money?
KC: I don’t have any money in my pocket. I don’t have any pocket!
Autie Tootsie: Where are you gonna get the money?
KC: (Mischievous look) I’ll show you where!

Si Matthew Genry, 5 years old, ang kaisa-isang boy para sa entry na to. He’s so gwapo. Typical boy, sobrang makulit, energetic, takbo nang takbo pero super sweet din. Mahilig s’ya sa mga toys kaya pag tumatawag Daddy ko sa kanila, wala na s’yang ibang alam kundi magpabili. Madalas ayaw n’yang magpayakap, pero isang beses habang naglalaro kami sa kwarto n’ya pinalabas n’ya yung mommy n’ya sa kwarto tapos kiniss n’ya ko sa cheek. Nahiya s’ya e.

Hay... I can go all day talking about these cuties. Kapag uwi ko nga from Pangasinan, wala na kong ibang kinuwento kay Momon kundi sila. Pag sad din ako, iniisip ko lang sila, masaya na ko. Sana wag pa sila lumaki para sila yung mga flower girls at ring bearer sa kasal ko. Sigurado ako, sasabihin ng mga tao na ang cute cute nila.

Hay... miss ko na sila lahat. Mag-iipon ako ng money para mabilhan ko sila ng magagandang gifts para sa Pasko. Tapos yayakapin nila ko at iki-kiss! Hay... okay na ko don!

Thursday, August 04, 2005

Smilies

Uy! I got new smilies sa aking tagboard.
Gamitin natin! Go crazy!
Tag kayo ha?!

P.S. Walang kakwenta-kwentang post ito.

Tuesday, August 02, 2005

Yikes! 22!

Nyak! Nagbirthday pala ako!
Pag birthday mo kasi... nagkakarason ang mga tao na magsend ng message sayo. Sobrang saya! At sobrang thankful naman ako. Kaya...

Sobrang thanks sa mga JASMS classmates ko! Nadia, Lenina, Nina and Ina! (Okay... Nasense n'yo ba ang ka-freakihan ng mga pangalan nila pag pinagsama-sama? Hehe!) Grabe! Salamat sa pag-alala. Ang tagal na natin magkakaka-kilala! (Rhyme!) You've known me through the best and worst.

Sa mga friends ko sa Avo! Hay... what can I say... iba kayo! Thanks so much!
Kay Abel! Sobrang thank you talaga!
Erick, Andrea, Princess and Mak, thanks sa pagbisita at sa pagbati!
My thesis partners! Jen and Bop, love ko kayo!

Sa mga super friends ko... Jen, Vincent, Rhea, Ben... alam n'yo na yun! Saan next nating adventure!?
Mym... all birthdays okay? Mwahmi!

Hay... isang taon na naman ang nakalipas!