Shiyet... ang corny ng title... pero sige na.
Went to Davao and Kidapawan for the past two weeks. I'm tired...
Some random thoughts dahil ayoko nang karirin ang pagku-kwento. Hehe...
1st trip, August 11 to 14
There's no smoking in Davao! Hmm... clean air! Sarap!
-----------
May nakasabay kaming mga Herbalife agents sa airplane. Bigyan daw ba ako ng leaflet?! Ibig ba n'ya sabihin I have to lose weight! Pucha! At ayon sa leaflet n'ya, I'm 13 lbs over my ideal weight. Kainis...
-----------
Ang galing ng mga taxi drivers, sakto kung magsukli.
-----------
While in Kidapawan we stayed at AJ High Time Hotel na kung saan nung nakaraang araw lamang ay may nagpasabog. Kamusta naman 'yon!? Pero sabi ng van driver, "Wag kayong matakot sa mga pasabog, normal lang yun."
-----------
We had dinner at Matina Town Square, their version of Eastwood. We had coffee at Blugre (read: Blue Gray). Natawa lang ako kasi nakalagay sa mga chalk board nila:
Coffee of the Month: Durian Gatchpuccino
Drink of the Month: Durian Larcepuccino
Dessert of the Month: Durian Cheesecake
Hello?! The last time pumunta ko, yun na ang nakasulat, and that was in 2004! Tapos natawa pa ko sa Gatch and Larcepuccino, pangalan daw ng mga may-ari. Hehe.
2nd trip, August 18 to 21 (Mas Eventful, hehe)
Overweight ang baggage ko papunta with all the equipment. Anyway, nagawan ko naman ng paraan. (I made the mistake of texting Momon: Overweight ako! Ang dami tuloy aberya sa pag-check in ng bags!)
-----------
Dami kong nakitang artista sa flight namin... Kadayawan kasi kaya may show siguro sila sa Davao. Jolina, Christian Bautista, Nikki or Star in a Million, NiƱa of Pinoy Big Brother Teen Edition and Angel Locsin. Daming nagpapa-picture sa kanila. Dami ding mga media crew na super sa pag-flash ng kanilang media ID. As if.
-----------
Bumili kami ng Suha... kay VIRGIE! So sikat.
-----------
I walked around Davao alone to meet with my college friend, Rica. Feeling independent. Wahaha. Ang saya nung nag-meet kami, pumunta pa kami sa factory ng Durian candies, kaya yun mas masarap ang mga naiuwi ko. Mas okay din ang suha na nauwi ko this time around, at friends na kami ni "Long Hair" and nagbebenta sa stall ni Virgie.
-----------
May bruhaha pa ako sa airport, nang-abala pa ko. Kasi nga overweight ang bags ko, (ayan di na ako) plus may suha pa. I had to find someone na onti lang ang dala tapos sabay kami mag-check in para ma-off set ang baggage weight problem ko. Then, I asked the officer to put a fragile sticker sa bag ko na may camera. Tapos... gusto ba naman n'ya na ilabas ko ang mga camera at lahat ng equipment at ihand-carry ko raw! Waaahhh! Na-delay pa tuloy kami, kakahiya sa pinakiusapan ko. Buti na lang super bait s'ya.
-----------
Kaya nga after these two trips... dito muna ako Manila. I'll be back in Davao on September.
really? youve been to kidapawan? hehhe. what did you do there by the way? i was born there and currently lives in davao. hehehe
ReplyDeleteGlad you had a good time! wow AJ High Time is so popular now...
ReplyDeleteand yes Kadayawan is always awesome. Come for the the fruit festival ??
regards
www.kidapawan-online.com
Mapanglait. Kala mo naman maganda.
ReplyDelete