Monday, January 09, 2006

Blog Shmlog

Ako ay humihingi ng paumanhin sa aking blog... talagang napabayaan ko na s'ya.
Wala na akong entries, at kung gumagawa man ako ay wala namang kwenta. Huhuhu...

Sorry talaga, Blog Shmlog... busy lang sa bakasyon at ngayong pagbalik ko, busy na ako agad sa trabaho. Pero, pag nakahanap na ako ng time, babalikan natin ang mga pangyayari. Ako man ay nais ring isulat at i-share ang mga adventures ko.

Shiyet!

Tuesday, December 27, 2005

Merry Christmas!

Ay naku mga kapatid! Sorry at talagang napabayaan na ang blog na ito...
Pati Christmas greeting, late!

It's already 26 here... 27 dyan sa inyo...
Pero just the same,

Merry Christmas! Happy New Year!

Kwento na lang ako dito pag balik ko.

Thursday, November 24, 2005

Pangkulit Lang...

Post an ANONYMOUS comment with the following:

1. One secret.
2. One compliment.
3. One non-compliment. (Yikes!)
4. Lines from your favorite song.
5. How old you are.
6. How long we've been friends.
7. And a hint to who you are.

Hehe... Wala lang!

Thursday, November 17, 2005

The Corporate World

November 21, 2005

___________________
___________________
___________________
___________________

Dear Sir:

Please accept this letter as my formal notice of resignation from ____________, effective December 15, 2005. The associations I’ve made during my employment here will truly be memorable for years to come.

I hope a one-month notice is sufficient for you to find a replacement for me. If I can help to train my replacement or tie up any loose ends, please let me know.

Thank you very much for the opportunity to work here.

Sincerely,


Rosana N. Padua

Saturday, November 12, 2005

Through the Years... Avogadro IV 2001

I was looking through some pictures the other night... at na-inspire ako sa nakita ko.
Share ko lang ang mga happy moments.

Avo 4... iba talaga kayo!

Ang mag-best friends na sila Julie Ann at Celeste back in 1999. Take note, nauna pa sila kay Sadako.


Sabrina Marie
Miss na namin kakulitan mo!
Lorence... nagbibihis para sa CAT
Wala lang!
Si Bennet ang nagle-lecture satin tungkol sa isang math problem na hindi natin masagutan. Tayo pala ang first students ni Bennet.
Si Allan, Marco at Julie ay nag-aaral ng mga langgam...
Isang araw na nagkita-kita kami sa AS parking lot at nag-picturan kami.
Hay... si Marco.
Ever sexy!
Rhea at Vincent.
Sobrang saya din kapag magkakasama tayo sa mga parties o kaya gimmick.
Summer 2002 party.
May gawa pa tayong mga lamp na nasunog naman.
Sa birthday ni Kathy...
Birthday ni Sabrina...
Birthday ni April...
at EK Adventure...
Hay... ang saya!
Marami pang mga pictures dito sakin... share ko rin next time.

Tuesday, November 08, 2005

Sembreak Kuno!

Dahil nagta-trabaho na ako ay wala na akong sembreak. Ok fine. Tanggap ko na. Wala na akong sembreak, Christmas break, summer break… at mula ngayon ay umaasa na lang ako sa mga paglilipat at pagiimbento ni GMA ng holidays para magka-break ako. Ok lang yun, that’s life! Pero sinong may sabing porque wala na… e hindi na pwede?! Officially oo… pero ang totoo… pwedeng pwede pa rin magpakasaya at mag-feeling estudyante!!!

Avo Party!



Ang walang kakupas-kupas na mga high school classmates ko!
Ewan ko ba… pagdating na pagdating pa lang namin… tawa na kami nang tawa. At yung tawa na tawang-tawa talaga! Hindi ko ma-describe, basta sobrang saya.

Bulacan Paradise!


Dahil nag-hybernate na si Jen sa probinsya… naisipan naming bisitahin… este… bulabugin s’ya! Kaya naman nagbyahe kami papuntang Malolos para magswim… kumain at "kalimutan ang problema." Nag-explore din kami sa Malolos ng onti.

Ang daming memorable moments:
Muntik na kaming malunod pagkatapos ng slide kahit na 5 feet lang ang lalim ng tubig.
Nagslide si Bennet tapos may bata sa foot ng slide… nadaganan tuloy n’ya.
Synchronized swimming number naming nila Momon at Vincent.
May malaking langaw na dumapo kay Vincent.

Hundred Islands!

Kahit mga taga-Pangasinan kami ay first time pa rin naming makarating sa Hundred Islands National Park. Nakaka-aliw s’ya at exciting din makita. Kaya lang… hindi s’ya ganong developed at well maintained. Medyo malayo s’ya at… medyo hindi worth sa trip. Ang main attraction lang naman kasi dun ay ang islands na madami. In terms of swimming at snorkelling… di s’ya okay at sira-sira na rin ang underwater attractions due to dynamite fishing. Sayang.

Trivia... pwede palang maglakad from one island to another. Hehe.


Longest Buffet!

Oh well, alam n’yo na ang storya ng naumsyame naming Guiness experience. Pero masaya pa rin naman… kasi nagdinner pa rin kami at nagpakasaya after magpa-picture amidst the chaos. Yung nasa likod namin ni Mon ay yung pila ng mga nagpapa-refund.

Ay oo nga pala! Magpapa-refund ako!

Abels’ Despedida!

At dahil paalis na si Abel papuntang Canada… nag-attend din ako sa despedida party n’ya. Sayang nga lang dahil onti ang nagpunta at maaga rin ako umuwi.

Abel… good luck d’yan sa Canada! Wag kang makakalimot!

O, sinong may sabi na magiging dull na ang buhay pag kabilang ka na sa working class?!
San ang sunod nating lakad?!

Thursday, November 03, 2005

I'M SO EXCITED!!!

Sana December 20 na...
Ayoko nang mag-antay. I'm so bored!

It's okay Mym, I'll buy shoes for you!

Thursday, October 27, 2005

We, Fatties.

I was looking at old photos these past few weeks...
Grabe... hindi ko maintindihan...

How did we get from here...

to here...

Kaya nga nago-oatmeal na lang ako sa umaga e. Susunod nito lahat ng kakainin ko yogurt na lang umaga, tanghali, gabi!

Actually... di pa nga obvious sa pic na 'to e. You should see us in person. At nakita n'yo naman from the previous post na wala pa kaming intensyong magpapayat!

Shiyet... siraan daw ba ang sarili!

Monday, October 24, 2005

"It's Like Begging for Food!"

Hay... ang daming nainggit. Ang daming nagsabing, “Ikain n’yo na lang kami.” Kami rin naman ay talagang na-excite, nagpress release, nang-inggit (hehe), naghanda at nagpagutom! Kinundisyon na talaga namin ang mga sarili namin na pipila kami at okay lang mag-antay, na dadahan-dahanin namin ang pagkain para makasulit at talagang titikman namin ang lahat ng dishes sa World’s Longest Buffet. Ready na kami magpa-umaga sa Eastwood. Hold muna ang diet namin ni Momon (Teka... meron ba nun?!) Ready na rin ako magkwento dito na super sayang adventure namin!

Well... oo... World’s Longest Buffet nga s’ya, pero para samin mas dapat s’yang tawagin na...

World’s Longest Line

World’s Longest Wait

World’s Most Empty Buffet Heaters

World’s Most Irate and Sweaty Customers

World’s Longest Walkfest Pabalik sa Parking

World’s Largest Refund

World’s Biggest Let Down

In short... hindi kami nakakain at umalis kami ng Eastwood na gutom. Pero kung nandon kayo at nakita n’yo ang situation dun... masasabi n’yong swerte pa nga kami.

Pag dating namin nakita namin na maraming mga tao na naglalakad na may hawak na plastic na plato. Akala pa namin ay magandang senyales yon. “Okay ‘to a... pwede talagang mag-ikot!” Pero pag dating namin sa registration table, kung saan kukuha ng plato at magpapatatak ng kamay, ay kinabahan na kami. Ang daming mga ale ng may hawak ng plato, pawis na pawis at nakikipagsigawan. Walang pila... chaos talaga.

Pero optimistic pa rin kami... Sabi namin, “Lipat tayo. Baka sa kabila mas madaling magpa-register.” Pag dating namin don... ayun na. Nakita na namin ang listahan ng mga nagbabalik ng tickets. At pagkatapos namin mag-investigate ni Bennet nakita naming karefund-refund nga. Wala nang seats. Lahat ng mga buffet heaters wala nang laman. Walang maisagot ang mga servers kung nasan ang food. At kahit wala nang food, ang dami pa ring nakapila. May lola nga na umupo na lang sa ledge ng fountain at dun na kumain.

Habang naga-analyze kami kung mag-refund ba kami o magtitiis, biglang nagbutt-in ang isang lalaking matanda na medyo gay. “You should get a refund! You don’t wanna stand there and wait. It’s like begging for food!” Ang TARAY! Ok fine!

Kaya fly na kami at nagpabusog somewhere else!

Thursday, October 20, 2005

Anything Goes...

Inspired by Benedict's HS scratch notebook... here's my first post na halo-halo ang topic. Hehe.

New Smilies Ulit!
Super saya ng mga bago kong smilies! Gamitin n'yo at pagsawaan!
Pero kung tatanungin n'yo ako kung saan ko nakuha ang mga ito... sorry... madamot ako! Hanapin n'yo na lang sa Google... sus, kayo pa, mahahanap n'yo agad!

World's Longest Buffet
Super excited na kami nila Rhea, Ben, Vincent at Momon dahil dadalo kami sa World's Longest Buffet this coming Saturday sa Eastwood. Kailangan na namin magpa-gutom to the max para matikman lahat ng pagkain! Grabe!

Avo Party
Sa mga Avo friends ko d'yan... Magdecide na kayo kung kailan ang get together! Dadating na lang kami! Gusto n'yo manood ng Paolo Santos sa Wednesday, 26 October? Sa Tapika lang... Katipunan Extension! Walang entrance fee... drink/s lang ang pagga-gastusan. We can have dinner separately or elsewhere na mura since mga 9:30 pm pa naman yun.

Pamasko Para Kay Sabrina Marie at Zyra Marie!
Sa mga Avo friends ulit na merong Christmas gift or letter or anything for Sab or Zyra... I'll be going to the States this Christmas (Kaya ba biglang nag-English?! Nyak!) at maganda sana na kung meron kayong ibibigay sa kanila... e ipadala n'yo na lang sakin at ako na ang magme-mail from there. Parang kagaya nung ginawa ni Sab for us. Give love on Christmas Day!

Tests ni Momon, Loraine at Benedict
Good luck sa inyong tatlo sa mga exam n'yo bukas! Alam namin na kayang-kaya n'yo yan! Haller! Kayo pa! Wag kabahan at isipin na ang buong Avo, sampu ng kanilang mga friends sa Friendster ay naniniwala sa inyong kakayahan! Syempre... asahan n'yo na ipagdadasal namin kayo.

Yun lang!